T

344 20 5
                                    

Pagmulat ng aking mata, isang puting ceiling ang bumungad sa akin. Nalalag ang aking tingin sa pares ng mga matang pawang kanina pa nakatingin. Nakatitig lamang ito sa akin at ganon din ako sa kanya. Doon ko lamang napansin na wala itong pang-itaas.

"Namatay ba ako?" ito ang unang lumabas sa aking bibig. Ganto ba ang langit? Isa ba siyang anghel? Ang gwapo niya namang anghel. Para akong nakatitig sa isang painting. Ngayon lang ako nakakita ng gantong kaperpektong katawan. Ang tangos ng ilong at kulot ang kulay brown niyong buhok.

Pero parang may kamukha siya. Kamukha niya 'yong lalaki kagabi na may hawak na baril. Kamukha niya...Teka...

Napabigla ako ng bangon pagkatapos kong maanalisa ang lahat. Na agad kong pinagsisihan at napabalik muli sa pagkakahiga sa malambot na kama.

"If I were you, I won't do that again," matigas nitong Ingles.

"S-Sino ka?" gulat at kinakabahan kong saad. Bumibilis ang tibok ng aking puso habang lumilibot ang aking paningin sa loob ng silid na kinaroroonan namin.

Maluwang ito. Sobra. May isang bahagi ng haligi nito na gawa lamang sa salamin at kitang-kita ang mala gubat na tanawin. Mukhang mamahalin din lahat ng muwembles na nandito. Mas lalo lamang akong naintimidate at kinabahan sa mga nakikita.

"Asan ako?!" huramintado ko. "Sino ka?" balik ang tingin ko sa kanya. "Anong ginagawa ko dito? Jusko! Nabuhay ba ko? Asan 'yong r-rapist?" sunud-sunod kong tanong.

Tinaas ko ang malambot na kumot na nakapatong sa akin at nakitang isang damit ng lalaki ang aking suot, isang itim na maluwag na T-shirt, at ang mailki kong shorts. Wala na ang uniform kong punit-punit. Tinanggal ko ng tuluyan ang kumot at pinagmasdan ang naging sugat ko sa kanang hita.

Napasinghap ako sa sakit at sa nakikita. Natatakpan ito ng makapal na bandage pero kita ko pa din ang malaking pasa dulot ng hampas ng tubo.

"Jusko. Makakalakad pa ba ako?" mahinang usad ko na siyang umabot sa kanyang pandinig.

Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa may gilid ng kama. Ngayong mas malapit ito sa akin ay mas lalo akong natakot sa presensya siya. Halos sumiksik ako sa headboard ng kama para gumawa ng distansya sa pagitan namin.

Natatakot ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Dahil siguro't napansin ko ang marka ng sugat niya sa mukha na dumaan sa kilay pababa sa gilid ng kanyang kaliwang mata. Ano kayang nangyare sa kanya?

"K-kailangan kong pumunta sa ospital," basag ko sa katahimikan nang hindi ito nagsalita sabay iwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagalan. Pinagmasdan ko na lang ang sugat ko.

"Hindi pwede," maikling sagot niya.

"Ha?" nagulat ako sa narinig at napatingin sa kanyang muli. Ang mukha niya ay walang bakas ng pagbibiro. Ni wala itong emosyong pinapakita.

"You died, right?"

"A-anong i-ibig mong sabihin?"

Parang mas lalong dumilim ang kayang mga mata habang nakatingin sa akin. Kinabahan lang ako lalo nang mas lumapit pa ito sa akin.

"Last night," aniya. "You asked me to kill you," ang mga salitang binitawan niya ay tila lason sa aking pandinig. "And so I fucking did. Sa mata nila lahat, namatay ka kagabi, Harriet," tuloy niya at pawang nawalan ako ng hangin sa katawan.

Katahimikan. Huminga ako ng malalim upang basagin ito, "Sino ka ba?" matapang kong saad. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Isang ngisi ang sinukli niya, "Ako lang naman ang sumagip sayo sa buhay na tinakbuhan mo."

END

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon