N

294 13 0
                                    

Mas lalong lumakas ang mga hikbi kong nanginginig habang pinipilit kong bilisan ang aking takbo.

"Panginoon, t-tulungan niyo po ako," mahina kong dasal. Napapikit ako nang mariin habang patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga pisngi na pawang walang katapusan.

Mas tumindi ang takot sa aking puso ng lumingon ako sa likod at nakitang andoon na siya, ngayon ay may hawak ng bakal na tubo. Maingay at garalgal itong tumama sa aspalto habang mabagal ang kanyang lakad na tila hindi niya na kailangan ng karagdagang effort para mahabol ako.

"T-Tulong!" sigaw ko. Ngunit ang kanyang demonyong tawa lang ang natatanging sumukli rito.

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon