A

257 12 0
                                    

Nanghihina na ako. Alam kong ilang minuto na lang mawawalan na ako ng malay sa kakulangan ng dugo.

"Miss Beautiful!" tawag nito sa akin. "Nagpapagod ka lang," aniya. Halos maramadaman ko ang nakakalokong ngisi nito.

Paikli ng paikli ang agwat naming dalawa. Lalo lamang akong humagulhol at naikuyom ang aking kamaong nakakapit sa sira kong uniporme. Pilit kong pinagtatakpan ang aking katawan kahit punit na ito at lumilitaw ang itim kong panloob.

"Tulong!" sigaw kong muli kasabay ng halakhak niya.

Mas pipiliin ko pa atang mamatay sa pagkaubos ng dugo kesa tuluyang magahasa ng hayop na 'to.

"Medyo masakit pagkakasipa mo sakin, Miss. Lagot ka sakin," banta nito.

Lalo ako ng napaiyak. Naririnig ko ang pagbilis nang pagtama ng bakal na tubo sa aspalto. Hudyat na bumibilis din ang lakad nito.

Andiyan na siya.

Andiyan na siya, Harriet.

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon