I

233 11 0
                                    

Parang naging slow motion ang lahat habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa naging sagot niya.

Mula sa paghihit niyang muli sa kanyang sigarilyo, pagbuga ng usok at ang mga mata niyang tumama sa akin. Wala itong emosyon. Doon pa lang alam ko na. Wala na akong pag-asa. Walang pakialam ang lalaking ito sa magaganap na krimen sa harap niya.

At naglabas ito ng isang bagay na ngayon ko lamang nakita ng personal. Naglabas siya ng baril mula sa kanyang likod at sinuri ito na pawang isang laruan. Anong gagawin niya diya?

Kinakabahan man ay huminga ako ng malalim at lakas-loob na nagsalita, "Kung ayaw mo 'kong tulungan, patayin mo na lang ako! Please! Pakiusap! Patayin mo na lang ako!" hagulhol ko ng paulit-ulit.

Tama. Mas nanaising kong mamatay sa ganong paraan kesa mababoy ng isang demonyo. Mas matatanggap ko 'yon. Kahit iyon na lang. Tutal mamatay na rin ako sa pagkaubos ng dugo. Ni hindi ko na kaya ang sakit ng sugat ko sa hita. Sa lakas ng pagkakahampas ng tubo, hindi ko na kayang tumakbo upang tumakas.

Tila narinig niya ang dalangin ko ay inangat niya ang kanyang baril at itinutok sa amin, sa akin.

Pumikit na lamang ako at inihanda ang sarili.

"Ilayo mo yang laruan mong bata ka! Hindi mo ko matatakot dyan at--!" hindi niya na natapos ang sasabihin sa pagkagulat. Maski ako.

Hindi ko kailanman makakalimutan ang gabing ito.

Isang putok ng baril at nabago nang tuluyan ang buhay ko.

Teka.

Buhay ko pa ba itong maituturing?

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon