Lawa Ng Salita

38 2 0
                                    

Sa bawat hakbang sa gabing malamig,

sa bawat halaklak na kaysarap marinig,

may mga salitang nais mamutawi sa mga bibig.


Sa mga umagang sumisilip ang araw sa silangan

Sa mga patak ng ulang kaysarap pakinggan

Mga saya at lungkot na nadarama, tula ang kinalabasan


Sa karagatan ng sakit na nadarama

Na sumasabay sa agos ng luha,

May nakakubling lawa ng salita.

***

Posted: 5/30/18

--Notfactorable

Lawa Ng SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon