(6/1/18)
Dedicated to haventnoticeme. Sorry kung ngayon lang. Hehe. :*
***
Nakatanaw sa iyong mga ngiti mula sa malayo
Nangangarap na sana ako nalang ang laman ng iyong puso
Mahabang panahon na nga kung iisipin ang lumipas,
Ngunit bakit tila damdamin ko para sa'yo'y di manlamang kumukupas?
Naalala ko pa ang mga ngiting iyan na nakapagpapangiti rin sa akin
Noong mga panahong tayong dalawa pa lamang at masaya ka pa sa atin
Hindi ko inakalang maglalaho ang lahat ng parang bula
Nang dahil sa bugso ng damdamin, sa masasakit na mga salita
Hindi ko man masabi ng direkta, aking sinta
Ngunit masaya ako para sa inyong dalawa
Alam kong kahit kaila'y hindi ka sakin magiging masaya
Kailangan ko nang tanggapin kahit ang sakit sakit pa.
BINABASA MO ANG
Lawa Ng Salita
PoetrySa karagatan ng sakit na nadarama na sumasabay sa agos ng luha, may nakakubling lawa ng salita. || Isang tipon ng mga tulang Tagalog.