(5/24/18)
***
Usok ng sigarilyo
Mga boteng nakakalat sa pasilyo
Daliring nasa gatilyo
Handa nang iwan ang mundo
Salampak na katawan sa sahig
Hindi maibuka ang pagod na bibig
Mga mata ay may ipinahihiwatig
Hindi matigil sa panunubig
Walang tao makikita sa paligid
Ngunit may mga matang nakamasid
"Hindi mo kailangang magdusa sa pag-ibig."
Nais niyang sabihin ngunit sa lalamuna'y may bikig
Nagulantang ang lahat nang gatilyo'y kinalabit
Lumabas sa kanya-kanyang bahay at lumapit
Nakita ang katawan niyang labis na nagdusa
Puno ng likidong pula at naliligo sa lawa ng luha
BINABASA MO ANG
Lawa Ng Salita
PoetrySa karagatan ng sakit na nadarama na sumasabay sa agos ng luha, may nakakubling lawa ng salita. || Isang tipon ng mga tulang Tagalog.