Words
Georgia
-KINABUKASAN-
"Goodmorninggg!" Di ko alam bakit ansaya saya ko pakiramdam ko nabawasan ang sakit na nararamdaman nitong puso ko.
Napagdesisyonan kong bumaba at walang tao kahit pagkain wala, sala rin si mama at Gio tapos ang dilim dilim pa
'Weird'
May nakita naman akong note na nakapatong sa ibabaw ng lamesa
"Take care anak. Me and Gio will come back after 8 months marami lang kaming aasikasuhin. Wag mo pababayaan ang sarili mo and btw naglagay ako ng allowance mo sa bank don't worry. We'll always pray for you and see you soon we love you so much" - Mama
Napahilamos ako sa sarili kong muka. Bakit ganun? Bigla bigla naman ata? Ang daming weid na bagay ang napapansin ko simula kahapon tapos di pa sinasagot ni Rein yung mga text ko. Naiiyak nakoo and I miss them so much.
Nagulat naman ako ng biglang may nagdoorbell sa bahay. Agad kong sinilip kung sino iyon at di ako nagkakamali si
TIM!!
pumunta agad ako sa sink at naghilamos pagkatapos ay pinunasan ko ang muka ko.
Ang kulit talaga oh takte di makapaghintay nagpupunas na ng muka eh tas sunod sunod pa ang doorbell
'Teka bat alam niya ang bahay namin?'
Napatigil ako sa pagpupunas ng aking muka at iniisip kung nasabi ko ba iyon kahapon sakanya nung magkausap kami
"Hoy! Di mo talaga ako pagbubuksan ha? Kanina pa ako nagdodoorbell dito" nakakainis siguraduhin niyang bibigyan niya ako ng magandang rason kung bakit niya nalaman address at mismong bahay ko!
"Sandale eto na nga diba di ka makapaghintay" binuksan ko agad ang gate namin.
"Wow ha napakabuti mo talagang kaibigan. Oh eto may dala akong almusal baka wala ka pang pagkain dyan" baka nga nasabi ko talaga kahapon?
'Aishh bahala na nevermind atleast may pang-almusah bwahaha'
"Oo na! Sa-la-mat ha ayan nagthankyou nako baka kasi isumbat mo pa " nginiwian niya naman ako "Ano? Pumasok ka na baka magbago pa isip ko" sabi ko at nagkunwaring naiinis
"Aga aga ang arte-arte tsh may dalaw siguro to" pabulong niyang sabi.
"Anong sabi mo?" nangagalaiti kong sabi
"Wala ang sabi ko mas maganda ka pa sa umaga" naginit naman ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin at napa ngisi "Tara gutom na din ako di pa ko nagaalmusal" pagpipilit niya.
"Salamat dito ah. Oh eto sakto may palaman diyan" sabi ko sakanya.
"Walang tao?" Tanong niya.
"Tch. Eh anong tawag mo sakin multo?" Natatawa kong sabi
"Kaluluwa tsh" pabulong niyang sabi ngunit narinig ko iyon.
"Ako? Kaluluwa? Nahihibang ka na ata eh mag almusal ka na nga" inis kong sabi.
"May sinabi ba 'ko" patay malisya niyang sabi.
Maya maya lang ay pinagsaluhan na namin yung dinala niyang pagkain. Biruin mo yun may lalaki pa palang gumigising ng ganon kaaga hay ano kayang pinagkakaabalahan neto.
"Ah Gia una na ako may pupuntahan pa ko eh. Salamat ha" aniya
" Sige salamat din sa pa almusal, sa uulitin" nakangiwi kong sabi sakanya.
Sabi na eh wala namang dahilan kung hindi siya gigising ng maaga hays kayo talagang mga lalake basang basa ko na kayo.
'Baka naman may nililigawan sya'
Hindi hindi ang aga naman niyang manligaw kung ganon sigurado maiinis lang yung liligawan niya kapag ganon kaaga. Pero sabagay gusto ko yung ganon maeffort
Hihi
--
3:00 pm
"Ano ba yan kahit text ni Rein wala ganyan ba talaga kayo parang tae lang ako sainyo tch!" Pasinghal kong sabi.
Teka bakit nasa ospital siya kahapon? O baka naman sinumpong nanaman yung lolo niya. Siguro marami lang talaga siyang iniintindi.
Rein's POV
Pinagmasdan ko amg napakaamo niyang muka. Miss na miss ko na siyang asarin. Miss na miss ko na ang bes ko pakiramdam ko tuloy magisa nalang ako ngayon
"Gia gumising ka na pleasee. Wag namang ganyan oh wag mo kaming pahirapan alam kong lalaban ka at wag mo kaming iiwan" sabi ko habang nagbabadya ang luha sa aking mga mata
"Alam mo ba Gia sobrang dami kong chika sayo kaya gumising ka na please. At tsaka alam mo ba lagi ka ding binibisita ni Benj alam ko mahal ka pa niya" napangiti naman ako. "Alam ko na mahal nyo pa din ang isa't isa kaya gumising ka na ayusin nyo ang dapat ayusin" di parin ako matigil sa kaiiyak "Sorry kung lagi kitang kinukulit kaya ko naman ginagawa yun kase gusto kong mapangiti ka" sabi ko sakanya at umaasa pa din na kahit anong oras ay gigising na siya.
"Huwag kang magalala gigising siya Rein. Lagi ko siyang pinagdadasal" sabi niya sa akin
"Benj" tawag ko sakanya
"Wag ka na magulat. Expect mo na lagi akong dadalaw sakanya at kailangan niya din ako dito" sabi niya sa akin at napangiti ako sakanya
"Talaga? Babantayan mo din lagi si Gia?" Namangha kong sabi.
"Oo naman. At pagkagising na pagkagising niya babawiin ko na uli siya aayusin namin ang problema namin dalawa" paliwanag niya
'Grrrr so it means na mahal pa niya talaga si Gia!!'
"Mahal nyo talaga ang isa't isa kaya botong boto ako sa loveteam niyo ng bestfriend ko eh hehe" nakangiti kong sabi sakanya.
Kahit papaano ay gumaan gaan ang pakiramdam ko. Alam ko gigising si Gia magpakatatag lang at magtiwala dahil alam kong matapang siya.
"Syempre marami pa kaming pangarap ni Gia kaya gigising pa siya at hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon ko sa oras na gumising siya" nakangisi niyang sabi.
"Mapapasakin muli siya dahil kampante ako dahil mahal namin ang isa't isa" nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
FantasyIsang babaeng namumuhay ng simple ngunit sa isang aksidente magbabago ang kaniyang pamumuhay. Mabubuhay sya sa isang panaginip kung saan utak lamang ang nakakapagpatakbo ng buhay niya. Isang araw meron na lang siyang makikilala kung saan magiging ka...