Drama
Gia
Gabing gabi na pero hanggang ngayon di pa rin ako makatulog samantalang ganitong oras eh antok na antok na ako.
Epekto ba 'to nung sinabi sakin ni Tim? Hindi naman ako madalas na nagkakaganito. Parang ngayon ko lang uli naramdaman yung kaba sa dibdib ko tuwing sinasabihan ako ng mga ganong bagay.
Aaminin ko kinilig ako pero konti lang! As in konti lang naman. Kase naman eh sobrang nakakababae kaya. Kung ikaw kaya ang sabihan ng ganon kapoging lalake halos matunaw na nga ako sa pagtitig niya sakin kanina eh.
'Posible kayang ako rin ang iniisip niya ngayon?'
Aish bat ba kasi ako nagkakaganito eh nagsisimula pa lang naman ako magmove on. At tsaka kung may dumating man na pagibig sakin siguro wag na muna kasi sobrang napagod na talaga ang puso ko at hindi pa uli ako handa kasi natatakot ako na masaktan.
At eto naman ako pabago bago ng posisyon. Hindi ako makatulog ano ba kase to.
Tumayo naman ako at umupo sa may bintana. Nakatingin lang ako sa mga ulap at nakakalungkot dahil wala man lang akong makitang mga bituin. Sabi nila kapag walang mga bituin uulan daw.
Habang nakatitig ako sa mga ulap ay di ko naiwasang mapatingin sa baba. Nakita ko ang isang pamilyar na lalake na nakatingin sa direksyon ko.
'Benj'
"Anong ginagawa mo dito" mahinang bulong ko sa sarili ko.
Kitang kita ko naman ang mga lungkot sa mga mata niya ngunit nakangiti siya sa akin.
Sinuot ko naman ang aking bra tsaka nagmadaling bumaba. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang harapin pero oras na din naman para kausapin ko siya at hindi ko na patatagalin pa ito.
Pagkabukas ko ng gate ay agad naman siyang bumungad sa akin. "Benj, ano pang ginagawa mo dito gabi na" sabi ko sakanya
"Gia, mahal pa din kita sana maging okay parin tayo at bumalik na uli tayo sa dati" sabi niya sa akin at hinwakan ang mga braso ko.
"Benj, alam mo namang hindi na pwede at may girlfriend ka na hindi na tayo at kahit kelan hindi na magiging katulad nang dati" pinipilit ko namang magsalita ng mahinahon
"I already broke up with her kaya Gia please" pagmamakaawa niya. "Give me a chance please Gia papatunayan ko na ako pa rin"
"Tama na Benj please lang" sabi ko at inalis ang mga kamay niya sa braso ko
Dali dali naman akong tumalikod at akmang papasok na uli ng bahay.
"G-gia wait," pagpigil niya sakin "Gia di mo na ba ako mahal? "
Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. Gusto kong sabihin sakanya na mahal ko siya pero hindi na nung katulad dati kasi kaya ko pa siyang tanggapin bilang kaibigan lang.
"Mahal kita" sinsero kong sabi sakanya.
Nagulat naman ako ng may nakita akong lalaki sa likod ng poste at hindi ako pwedeng magkamali dahil si Tim iyon.
"Tama ba yung narinig ko? Gia mahal mo pa din ako?" Masaya niyang sambit.
Nang tumingin ako sa may poste ay di ko muli siyang nakita. Napatingin din naman dun si Benj dun kaya naman umiwas na lang ako.
" Oo, mahal kita p-pero" nanginginig na boses kong sabi.
"Pero ano?"tanong niya
"Pero hindi na katulad nung dati, hindi na katulad nung iniisip mo. Benj mahal kita pero hanggang friends na lang. Kaibigan lang Benj at sana respetuhin mo yung nararamdaman ko" sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
FantasyIsang babaeng namumuhay ng simple ngunit sa isang aksidente magbabago ang kaniyang pamumuhay. Mabubuhay sya sa isang panaginip kung saan utak lamang ang nakakapagpatakbo ng buhay niya. Isang araw meron na lang siyang makikilala kung saan magiging ka...