Future
Timothy's POV
"Kuya Tim, sigurado ka hindi mo yun kilala?" Tanong niya pagkaalis ni Gia.
"Ang totoo kaibigan ko yun kaso di ako pinatapos bibiruin ko sana tas ayun umalis na" at napailing naman ako
"Kahit kelan alam mo namang di magandang biro yun siguro kahit ako nakakapagtampo yun" pangleleksiyon pa niya sa akin
Siya si Amber second cousin ko siya halos kapareho ko siya ng kalagayan ang pagkakaiba lang namin eh sa Amerika siya pinapagamot pero katulad ko di pa siya nagising ngunit alam na niya ang kalagayan niya. Kahit ganun tanggap pa din niya kasi malakas loob netong pinsan ko at may chance pa talaga siyang magising di tulad ko kakarampot lang. And yes nasa lahi talaga namin ang sakit sa puso.
"Oo na alam ko naman eh tsh gusto ko lang naman biruin yung tao tsaka siguro may pupuntahan yun" pagdepensa ko
Ang totoo ayon sa nakita ko kagabi ay may chance na magkabalikan si Gia at Benj pag naging maayos na uli ang kalagayan ni Gia. Magkayakap sila at pinapatawad na ni Gia si Benj kaya ibig sabihin ay hindi malabo.
'Sino ba naman ako para makialam sakanila'
Di rin malabo na gusto talaga ni Benj na bawiin si Gia. Kilala ko si Benj gusto niya nasusunod lahat ng gusto niya at hindi siya papayag kung hindi. Sasabihin niya okay lang pero ang totoo gagawa at gagawa siya ng paraan para mapasakanya ang bagay na iyo. Subukan niya lang talagang saktan uli si Gia di ko na alam kung san pa siya aabot.
"Sige una na din ako, salamat sa oras ha" pagpapaalam niya
"Oo at magpa-galing ka na!" Habol ko sakanya.
Nang dumating ako sa bahay ay chinarge ko agad ang phone ko at binuksan ito. Nang buksan ko ito ay ngayon ko lang nareceive ang message
one message receive..
From Gia
Hoy, walang paramdam ah
kita tayo dun sa tapat nang
Kinainan natin kahapon :)So ibig sabihin nandun siya kanina para hintayin talaga ako? Aish napakatanga ko talaga at napaka wrong timing pa nung biro ko. Pano na ba 'to.
--
Lumipas ang ilang linggo ay hindi ko parin nakakausap at nakikita si Gia. Kung makikita ko man siya ay sa ospital iyon at wala siyang malay.
Nagdesisyon naman ako na puntahan siya sa unibersidad na pinagaaralan niya.Sakto naman at nakita ko si Amber na papalabas na sa gate. "Ambs! Uy may tatanong lang sana ako" sambit ko
"Oh naparito ka? Sige ano ba yun?" Tanong niya.
" Ah itatanong ko lang sana kung nakita mo si Gia?" Nahihiya kong tanong
"Actually, kasama ko siya sa class kanina pero umalis na din agad siya eh. S-sorry" pagpapaumanhin niya.
'Hays ano ba yan'
"Ah sige ayo--"
"Ano Amber tayo na--"
Dug dug dug dug dug dug dug
Gulat ako ng makita ko si Gia sa likuran ni Amber. Para naman akong tinutunaw ng mga titig niya sa akin. Titig na parang sobrang tagal naming hindi nagkita.
"A-ah tara na Amber " at tumalikod na siya ngunit di pa rin ansunod si Amber
Tumingin naman sa akin si Amber at "Gia next time na lang siguro sumakit kasi yung tiyan ko bigla hehe sorry" sabi niya kay Gia hay ikaw na talaga insan.
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
FantasíaIsang babaeng namumuhay ng simple ngunit sa isang aksidente magbabago ang kaniyang pamumuhay. Mabubuhay sya sa isang panaginip kung saan utak lamang ang nakakapagpatakbo ng buhay niya. Isang araw meron na lang siyang makikilala kung saan magiging ka...