Chapter 2

45 8 0
                                    

Promise

Nagulat na lang ako ng makita ang sarili ko na nakahiga sa tabi nang kalsada. Anong nangyari sakin bakit amdito na lang bigla ako.

'wth what's happening to me'

"Hey! Are you okay? Halika tulungan kita" aniya

"Yah, Im Okay. Bat mo ko tinutulungan?" Sabi ko sakanya.

"Ah haha matulungin lang talaga ako Georgia hehe" sabi niya at nanlaki naman agad ang mata ko.

WTF!!

Sinabi niya yung pangalan ko? Bakit niya ako kilala eh skya nga hindi ko kilala eh. Baka mamaya stalker ko pala to lintik na.

"What did you said? Georgia? Kilala mo ba ako ha?! Stalker ka siguro noh? Bat mo ako kilala ha" galit na tanong ko sakanya.

"U-uhm ano kasi eh yung ano" kabadong sabi niya

"Ano?" gigil kong sabi

"Ano ayun! Suot mo kasi yung ID mo tapos nakita ko yung pangalan mo dun ang pangit naman kasi siguro kung bata itatawag ko sayo diba haha pang kindergarten" makulit na sabi niya.

"Komedyante ka ba? Nakuha mo pang magloko eh. Sorry di ko naman alam na suot ko pala eh" medj napapahiya kong sabi.

'Pwede naman kasing miss ang itawag bat pangalan ko pa'

I hate it kapag tinatawag ako sa pangalan ng hindi ko naman kakilala pero hayaan nalang tinulungan naman ako nung tao eh.

"Btw, Im Timothy pero Tim nalang masyado kasing mahaba eh hehe" pagpapakilala niya

Medyo masiyahi naman pero di mo maiitanggi na may lungkot sa mga mata niyang makikita. Siguro nay problema din to

'Tch magaling magtago wala to'

Timothy's POV

"Georgia pero Gia nalang sanay kasi akong Gia ang tawag sakin eh" sabi niya sakin at inilahad ang kamy sa akin.

Yup I already know you nakita kong kakaadmit lang ikaw sa ospital. Nasasaktan ako para sakanya kasi pareho kami ng lagay ngayon, ang nabubuhay lamang sa isang imahinasyon at kasinungalingan.

Ayokong matulad siya sakin. Ayokong malaman niya ang tunay niyang kalagayan kasi tiyak siyang masasaktan. Gaya ko nagbago ang buhay ko simula ng malaman ko ang tunay kong kalagayan.

Ang sakit sobrang sakit na nakikita mo yung sarili mong nakahiga at walang kamalay malay. Bakit kasi hindi pa matanggap ng pamilya ko na hindi na ako magigising at makina nalang ang tanging bumubuhay sakin. Nagaaksaya lang sila ng pera at panahon at umaasang gigising pa ako. Ngunit ako hirap na hirap na ako dahil ayoko na.

Oo katulad ko siya pero magkaiba kami ng dahilan sapagkat siya naaksidente at ako naman ay may malubhang sakit. Oras na pumunta siya sa ospital kung saan andun ang katawan niya ay magbabago na ang lahat. Ngunit kung hindi pa niya nakikita ang katawan niya magiging parang normal para sakanya ang lahat na parang nabubuhay ka lang sa katotohanan at nakakausap ang kaniyang mga magulang. Pero hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang kinalalagyan niya dahil baka oras na malaman niya agad baka di niya kayanin at bumitaw siya.

Di ko napansin na kanina pa pala nakalahad ang kamay niya at dali dali ko din naman inabot ang kamay niya.

"Ah sorry may iniisip lang" sabi ko

"Muka nga. Wag mo ng isipin yon di ka mahal non" sabi niya at nakangisi.

'Kung alam mo lang kalagayan mo ngayon baka di ka makatawa'

"Ah that, wala yon at wala naman akong girlfriend eh imposible para sakin yun" sabi ko sakanya

"Sige una na ako pupuntahan ko pa yung kaibigan ko sa ospital" nagulat ako sa sinabi niya

"Wag! Wag kang pupunta dun" gulat na gulat kong sabi. Agad din nagbago ang ekspresyon ng muka niya.

"Bakit? May problema ba at tsaka ano ba kita ha!" Naiinis niyang sabi.

"Basta hintayin mo na lang yung kaibigan mo mamaya tara may pupuntahan tayo" sabi ko at hinila siya


--

Dinala ko siya sa isang park kung saan tahimik at maganda ang lugar pati kung saan kaming dalawa lang ang nandito.

"Anong pakulo 'to? Napakatahimik naman dito" sabi niya sa akin

"Edi magingay tayo tsh magusap tayo kaya nga nandito eh" sarkastiko kong sabi sakanya

"I mean, a-anong purpose para dalhin mo ko dito?" Tanong niya

"Alam mo napunta ako dito kapag marami akong iniisip at problema kasi ang tahimik at nakakapagisip ka, yung tipong habang pinagmamasdan mo yung mga puno nakakapagpagaan ng pakiramdam. Diba? " paliwanag ko sakanya

"Grabe noh, ganyan pala kayong mga lalake sinasarili ang mga problema" sabi niya habang nakatingin sa kawalan at rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya

"Bakit? Kayong mga babae? Nagshashare nga pero nawawala ba yang mga sakit at sugat sa puso niya  tsh" giit ko sakanya

Ramdam ko naman ang pagtahimik niya at di siya nakapagsalita. Tama naman talaga ako eh

"Mabuti nga yung sinasarili mo lang para wala masyadong isipin" dagdag ko.

'katahimikan'

"Sa susunod wag ka na magtatago ng saloobin dahil nandito nako at simula ngayon magsheshare na tayo sa isa't isa" seryoso niyabg sabi at parang wala siyang kaproble-problema. "Simula ngayon walang ibang magtutulungan kung hindi tayo lang naiintindihan mo?"napatulala naman ako sa mga sinabi niya

'Ang caring niya talaga kahit kelan di ko alam kung bakit siya nagawang lokohin'

"P-promise--"

"Pangako yan ah" sabi niya at ngumiti

Ngumiti rin naman ako sakanya.


Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon