Timothy's POV
'dahil mahal namin ang isa't isa'
'dahil mahal namin ang isa't isa'
'dahil mahal namin ang isa't isa'
Nagpaulit-ulit iyon sa aking isipan ng marinig ko iyon muli kay Benj. Hindi ko na hahayaan pang mangyari yon dahil niloko mo lang naman si Gia at malakas ang kutob ko na lolokohin mo lang uli siya.
--
Pagkatapos kong magpaalam kanina kay Gia sa bahay nila ay dumiretso ako sa hospital upang makita ang aking magulang. At eto nanaman ang pakiramdam na yon parang laging pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko silang umiiyak at nalulungkot. Sobrang sakit na makita ko silang nagaalala sakin. Ang sakit din makita ang sarili ko na parang lantang gulay na nakahiga lang sa kama. Kung ano anong nakatusok na karayom, tubo at mga makina na tanging bumubuhay sakin.
Di ko rin maiwasan ang sumilip sa kwarto ni Gia. Andun ang kaniyang kaibigan at nasa labas naman ang kanyang nanay at bunsong kapatid. Nakita ko rin yung ex ni Gia.
Narinig ko lahat ang pinagusapan nila. Sino ba ang niloko mo Benj? Eh akong ngang mismong kaibigan mo dati trinaydor mo iyon pa kayang lokohin mo uli si Gia.
'Hindi ako papayag na saktan at lokohin mo si Gia. She don't deserve all this pain dahil sa pang gagago mo sakanya'
At ayun nakita ko ang kalagayan ni Gia dito sa ospital. Nakakapanghina dahil nasasaktan ako para sakanya. Kung kanina lang kausap ko siya at wala siyang kaalam-alam pero eto yung kalagayan niya, umaasa ang lahat na gigising siya pero hindi iyon ganun kadali.
Kung pwede ko nga lang sana siyang buhayin sa katotohanan. Kung may kapangyarihan lang sana ako na pabalikin siya sa realidad ginawa ko na para hindi na mahirapan siya pati ang mga nagmamahal sakanya.
~flashback~
2 years ago..
Parang tumigil ang mundo ko at sya lang ang tanging nakikita ko. Ang amo amo ng muka niya at ang ganda niya. Mabait, matulungin at madasalin. Sabihin na natin na siya yung babaeng hindi pangpantasya lang kundi siya yung babaeng minamahal ng wagas at pinapakasalan.
Siya yung babae na matagal ko ng pinapangarap. Pero ayokong mag take advantage sakanya dahil ako yung lalakeng may respeto.
'Sa tingin ko napakaimposible dahil hindi narin naman ako magtatagal sa mundong ito'
Nagulat nalang ako at napaluha ng makita ko ang kasama niya. Hindi ko inaasahan na pati siya. Akala ko ba walang talo talo. Niloko niya ako, sinabi ko lahat ng tungkol sa babaeng matagal ko nang minamahal tapos eto ang igaganti niya sa akin. Eto na nga lang ang ginawa ko eh ang magmahal ng lihim lang.
Trinaydor mo ako Benj. Bat ikaw pa? Sa dinami dami ng pwede tol.
Habang naglalakad ako naisip ko na bakit pinagsuklaban ako ng mundo? Tsh. Lampa na tapos tinalo pa.
"Son, how was your day" pabungad na bati sa akin dad.
"Fine, madami lang pong inasikaso.Dad pwede po ba next year eh hindi na ako mag hime school?" sabi ko sakanya
"Anak alam mo naman ang kalagayan mo di ba? You're not allowed to go to school until you are fine" tsh sabi na eh all I want is just to enjoy my life tutal malapit na din naman akong mawala eh bat di pa nila ako hayaan sa gusto kong gawin.
Tumango na lang ako at paakyat na sana nang bigla nalang akong mahilo. Pinilit kong makapaglakad ng ayos ngunit napansin din ito ni dad. Hindi ko na kayang itago pa ang sakit na nararamdaman ko batid nadin siguro sa sobrnag dami kong iniisip ngayon maghapon kaya nakapagpadagdag ito.
"Son! What's happening? Yaya open the gate now!" Sigaw niyang utos kay yaya.
"Ah! Dad it hurts" sobrang sakit pucha di ko na kaya "I c-cant h-handle--" at di ko na nasabi ang kasunod kong sasabihin .
~end of flashback~
Napaluha ako habang nakatitig sa kinalalagyan ni Gia. Hindi ka dapat nagdudusa ng ganito. Dapat hindi iyo nangyari saiyo dahil ang sakit na makita ang kalagayan ng mahal mo.
Hanggang ngayon di pa rin nagbabago ang pagtingin ko sayo Gia. Mahal parin kita kahit alam kong hindi na pwede.
'Mahal kita simula pa nung tumigil ang mundo ko noong una kitang nakita'
Mahal kita Gia at ikaw lagi ang panalangin ko
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Kathang Isip
FantasyIsang babaeng namumuhay ng simple ngunit sa isang aksidente magbabago ang kaniyang pamumuhay. Mabubuhay sya sa isang panaginip kung saan utak lamang ang nakakapagpatakbo ng buhay niya. Isang araw meron na lang siyang makikilala kung saan magiging ka...