Chapter 6

16 0 0
                                    

Di na muli

Timothy

Hanggang nayon ay hindi rin ako makapaniwala sa mga nasabi ko kay Gia kanina. Hindi maalis ang mga ngiti ko at hindi parin ako makatulog kakaisip sakanya. Sobrang saya ko kasi nakakausap ko na siya kahit isa lamang itong kathang isip

Kanina pa ako hindi mapakali dahil gusto ko na uli siya makita. Sana nga ay magbukas na agad para makita ko na uli siya.

Ngunit hindi maalis sa aking isipan na naaawa din ako sakanya dahil sa kalagayan niya. Sa oras na malaman niya ang lahat ng katotohanan. Kung ako nga sobra akong nahirapan nung nalaman ko ang aking kalagayan sapagkat magbabago ang lahat.

Ipinagpaliban ko ang mga isiping iyon at pilit na inalala ang kanina. Ilang araw pa lang kami nagkakausap pero oba na ang dulot sa akin nun. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya na para bang ang tagal na naming magkakilala.

'Matagal ko na siyang kilala pero ngayon niya palang ako nakilala'

Aaminin ko nung mga araw na yon sobrang torpe ko at nahihiya akong umamin sa tunay kong nararamdaman pero huli na ang lahat nang malaman kong sila na ng dati kong bestfriend na si Benj.

Yun pero di pa rin maalis ang kilig sa akin. Gabing gabi pero parang di parin ako inaantok. I just cant believe na nasabi ko yung mga ganong salita for the first time and dapat ba akong maging proud? At ayoko naman magtake advantage sakanya dahil di ako ganoong lalaki.

Basta ako mahal ko siya, mahal ko siya matagal na.

'Hehehe'

Benj's POV

Nandito ako sa kwarto ni Gia nagbabantay sakanya. "Gia, gumising ka na please at ayusin na natin to. I miss you so much Gia"

"Hindi ko hahayaang mapunta ka pa sa iba Gia. Hihiwalayan ko yung girlfriend ko para sayo Gia dahil ganon kita kamahal" bulong ko sakanya at hinalikan ang noo niya.

"Uhm, Tita mauna na po muna ako may pupuntahan po ako" pagpapaalam ko.

"Sige hijo salamat at magiingat ka ha" nakangiting sabi sakin ni tita at tinapik ko naman sa likod si Gio ang nakababatang kapatid ni Gia

"Opo tita, babalik din po ako." At ngumiti ako

Alam ko naman na sa akin padin ang boto ni Tita at tito pero di ko alam sa kapatid nita dahil may pagka masungit ito. Galit siguro yun sa mga poging katulad ko o baka naman di makamove on na niloko ko nuon si Gia.

Ang totoo ay pumunta ako sa kabilang kwarto. Kwarto kung saan anduon ang dati kong kaibigan. Si Tim, ngunit di ako pumasok dun dahil baka mapagalitan lang ako ng mga magulang niya. Kahit di ako pumasok ay kitang kita ko pa rin siya dahil may window dito.

Di ko din maiwasan na malungkot sakanya. Naiisip ko yung mga dating pinagsamahan namin ngunit nagbago ang lahat ng iyon. Nagbago lahat yon simula nang malaman niyang kami na ni Gia. Oo, aaminin ko alam kong matagal na siyang may gusto kay Gia pero torpe siya. Ang totoo eh inggit na inggit ako sakanya dahil lahat ng bagay ay nakukuha niya at laging proud sakanya ang mga magulang niya samantalang ako walang pakialam ang mga magulang ko sa akin.

Kaya naman di ko pinalagpas ang pagkakataon na iyon. Sinubukan kong lapitan ng lapitan nuon si Gia ng hindi nalalaman ni Tim, sabagay sino ba naman siya para magalit eh di naman sila mag on at yun ang tinatak ko sa isip ko.

Ang totoo ay hindi ko talaga gusto nuon si Gia. Ginawa ko lang iyon para naman atleast may isa akong bagay na hindi mahihigitan ni Tim. Hanggang sa naging kami ni Gia. Hindi nagtagal ay nafall din ako para sakanya at minahal ko si Gia. Maganda si Gia, sexy, mapagmahal at may sense of humor na pinakanagustuhan ko. Ang tanga ko lang dahil niloko ko siya.

Hanggang isang araw nalaman ni Tim ang tungkol sa amin ni Gia. Di niya matanggap na niloko ko siya bilang bestfriend niya dahil ako mismo ang nagsabi sakanya noon na walang talo talo pero binigo ko siya. Akala ko naging masaya ang buhay ko pagkatapos non. Halos magbugbugan nga kami nuon eh.

Yun din yung araw na sinugod siya sa ospital at nalaman din ng mga magulang niya na may hindi kami pagkakaunawaan na siya din ang naging dahilan ng pagkahina ng puso niya.

Sobrang tanga ko dahil lati si Gia ay niloko ko din. Niloko ko siya at naghanap ako ng ibang babae na ibibigay yung gusto ko na hindi naibibigay ni Gia sakin. Sobrnag conservative ni Gia. Oo aaminin ko ilang beses akong nagtake advantage sakanya ngunit di umaabot sa gusto ko dahil ayaw niya. Ibibigay niya lang daw iyon sa araw na kasal na siya at sa taong mamahalin siya ng buong buo habang buhay.

Dahil sa pride ko at katangahan ko hiniwalayan ko siya. Akala ko dahil nakuha ko na ang lahat ay kumpleto na ako ngunit hindi. Simula nung hinwalayan ko siya parang may kulang sa buhay ko. Narealize ko na siya padin talaga.

Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pangtatraydor ko kay Tim. Dahil nakilala ko si Gia. Kasalanan niya naman dahil napakatorpe niya.

Napatitig ako kung saan nakahiga na parang lantang gulay si Tim at napasmirk naman ako.

'Kahit kelan hindi magiging iyo si Gia at hindi ko siya hahayaang mapasayo'

Naaalala ko yung mga sinabi niya sa akin dati na dadating daw ang araw na aaminin niya lahat ng nararamdaman niya kay Gia.

Pwes hindi na dahil pusta ko hindi ka na magigising.

'Ha ha ha'

Masama na kung masama basta akin si Gia. Hindi ko na papakawalan pa si Gia sa oras na magising siya.

Hindi ko malilimutan yung masasayang alaala namin ni Gia, yung mga kulitan namin at sweetness namin. Siya lang yung nakakapagbigay sa akin nang saya at tinanggap niya ako ng buong buo. Sobrang miss na miss ko na siya.

Hindi ko na siya lolokohin at pakakasalan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Im so obssessed to her and I love her so bad.

Di ko na siya lolokohin pa.

'Di na muli'

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon