Ako po si Lily, at ito ang Pangyayari ng buhay ko na hindi ko makakalimutan.
Nasa College ako noon, lumuwas ako ng manila para mag aral sa isang kilalang Unibersidad sa Pilipinas.
Ang Course kasi nais ko ay Wala sa lugar namin, kaya nag hanap ako ng school na available ang Course na gusto ko.
Pag tapak ko ng manila ibang iba ito sa probinsya. maraming sasakyan dito at Magagara pa, hindi ko maiwasang mamangha.
Ang una kong hinanap sa Maynila ay ang Kapitbahay naming si Jasmine, Nag aaral din siya sa Eskwelahan na papasukan ko.
Hindi naging madali ang Byahe ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar ng Maynila.
Inabot ako ng Gabi bago ako nakarating sa bahay na tinutuluyan ni Jasmine.
Ang sabi niya sa akin ay may Espasyo pa daw ang kanilang Dorm, pwede daw ako doong Tumira pero May kaampatang Bayad.
Syempre alan ko naman na Wala ng libre ngayon.
hinatid ako ni Jasmine sa Third Floor ng Building kasi nandoon ang Kwarto na tutuluyan ko.
Pumasok kami doon at Namangha ako sa Luwag ng Kwarto.. syempre wala pang Gamit ito..
Inilapag ko ang Gamit ko at Inilibot ako ni Jasmine sa Third Floor Building.
Pumunta kami sa Isang Kwarto na ang sabi ni Jasmine sa akin ay kusina daw ito..
Syempre namangha ako.
Ang laki ng Kusina dito sa Thirdfloor Kumpara sa Kusina sa Dalawang Floor sa baba.Malako rin ang Lababo at may Tatlong Gripo ito..
Ang lababo ay Wall to wall ang Laki. Biruin niyo. Kung mag huhugas ako nasa 1/4 pa lang ako ng lababong ito.
Pagkatapos naming libutin ni Jasmine ang Kusina. Pinakilala niya naman ako sa mga dorm Mates ko na nasa Third Floor din kagaya ko.
Doon ko nakilala si Cathy. Ilang araw pa lang daw siya doon sa Dorm niya
May napansin ako kay Cathy noong araw na yon.. May mga pasa siya sa Braso na kasing laki ng Baryang Piso.
Pagkatapos akong ipakilala ni Jasmine sa mga Ka dorm mate ko sa Third Floor. Bumalik na ako mg Kwarto ko.
Nag ayos lang ako ng Mga Gamit ko.
Pinagpagan ko ang Kama dahil Andaming Buhok ng Babae dito.
Kung susukatin ang Buhok ang hahaba neto.. siguro buhok ito noong Nag dorm dito bago ako.
Natapos akong ayusin ang mga Gamit ko at Nahiga na sa Kama, napagod ako sa haba ng byahe ko.
Papikit na sana ako ng Marinig kong may kumakatok sa pinto.
Agad akong bumangon, at binuksan ang pinto
To be Continue.......
BINABASA MO ANG
DorM
HorrorHighest Rank in Horror: 70 Rank Para sa mga estudyante na mag Dodorm, alamin ang Sekreto ng Dormitoryo bago ka Mangupahan. True To Life Story!