DorM 7

1.3K 32 3
                                    

Nais kong paliwanagan si Cathy sa mga hindi ko maipaliwanag na nagaganap ngayon pero Natatakot ako, hindi siya maniwala.

Bakit sa dinami dami ng tao sa Dormitoryong ito ay ako pa ang nais nilang guluhin...

Ang nais ko lang ay mag aral pero, hindi ko aakalain na Dadating ako sa point na May mamemeet akong Mga Imposibleng Bagay, tao at pangyayari.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko, hindi ako magpapanaig sa takot ko! Lalabanan ko ang Takot dahil alam ko na nasa tabi ko lang sa mga sandaling ito ang Panginoon.

Nagpaliit ako ng Damit at Gusto kung pumunta sa simbahan para magdasal at humingi pa lalo ng Tulong sa Panginoon na sana matapos na ang Mga nangyayaring ito sa akin.

Pag labas ko ng building ng Dorm ay Para akong nawalan ng pasan pasan sa Likod.

Yung bigat na nadarama ko ay biglang naglaho.

Parang payapa ako kapag nasa labas. Hindi katulad sa loob ng Dorm ko ay Lagi akong Tinatamad kumilos at Wala akong Gana sa lahat. Parang may kung anong Enerhiya ang Pumipigil sa katawan ko kapag nasa Dorm ako.

Pumunta ako ng Simbahan, nagdasal ako doon ng nag dasal. Gusto kong Matapos na ito. Dahil kong hindi ito matatapos Mapipilitan akong Bumalik sa Probinsya at Doon na lang mag aral.

Kung Titignan niyong mabuti. Ang mga nangyayaring kababalaghan sa akina ngayon ay Hindi kapanipaniwala na nag Exist sa mundo.

Lumabas ako ng Simbahan ng maluwag na ang nasa dibdib ko.

Nawala yung takot ko at pangamba.

May nag alok na matanda sa akin ng Sampaguita, bumili ako ng dalawang Kwintas neto, bago ako umalis tinanong ako ng Matanda.

"Ineng Kamusta ang bago mong tinutuluyan" sabi niya.

Noong una Naguluhan ako sa tanong niya.. pero sinagot ko siya sa alam kong tamang Sagot.

"Ayos naman po" sabi ko sa kanya.

"Alam ko ineng na mabigat at takot na takot ka na!" Sabi niya.

Paano niya na laman?

Manghuhula ba siya?

"Ano pong ibig niyong sabihin" may idea man ako ay Tinanong ko parin siya.

"May mga hindi pangkaraniwan kang naeengkwentro ngayon sa  bago mong tinutuluyan" sabi niya.

Paano niya nahulaan ang bagay na ito?

"Natatakot na po ako!" Sagot ko sa kanya.

"Ineng Habang maaga pa lang Umalis ka na! Ikaw ang Pinaglalaruan nila ngayon, bago ka kasi sa Building na yon!" Sabi ng Matanda.

Dapat ba akong makinig sa kanya? Dapat bang sundin ko siya.

Hindi ganon kadaling Maghanap ng bagong matitirhan, hindi ganun kadaling Lumipat.

"Siguro nagtataka ka kung bakit Mas magaan ang dinadala mo kapag nasa Labas ka. Kapag nasa loob ka naman ay parang Ambigat ng Pagkilos mo!" Sabi niya.

Tama ganon nga ang nararamdaman ko.

Parang may kung Anong Elemento ang dumadagaan sa akin kapag nasa loob ako ng Dorm.

"Basta ineng wag mong Kakalimutan ang Sinabi ko sayo.. umalis ka na Para rin sa Ikakatahimik mo!" Sabi niya.

Tama Ganun nga Ang Gagawin ko.. bukas na Bukas aalis na ako sa Dormitoryong Iyon......

Natatakot na ako. Natatakot na ako sa mga Susunod pang Pwedeng mangyari.........

To be Continue..........

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon