DorM 3

1.7K 41 1
                                    

Nagising ako sa sinag ng Araw na tumatama sa Mukha ko, umaga na!

Bumangon ako at Nagpasya na Maligo na Dahil kukunin ko ngayon ang schedule ko sa school.

Pumunta ako sa C.R at naghubad na ng damit ko, tanging Bra na lang ang suot pangtaas

May maliit na salamin sa Kubeta kung saan ako maliligo kaya makikita ko ang repleksyon ko doon.

Napansin ko na may pasa ako sa Tagiliran na kasing laki ng Kamay ng 10 years Old na bata.

Saan ko naman nakuha ang mga pasa na ito?

Hindi ko na lang pinansin ang pasa na iyon. Kase ang alam ko ay Mawawala rin naman ito maya maya.

Natapos akong maligo at nagbihis na ako.

Fast Forward

Maaga akong nakauwi kanina at kasalukuyan akong naglilinis ng Kwarto ko.

Andami nanaman kasing buhok na nakakalat. May pumapasok ba dito ng hindi ko alam?

Nako wala silang Makukuha sa gamit ko.

Ang pinaka maraming buhok akong nawalis ay galing sa ilalim ng Kama ko.

Saan ba nanggagaling ang mga Buhok na ito.. wala naman akong kilala na ganito kahaba ang buhok..

Baka buhok ito noong dating nagdorm sa Kwarto ko ngayon.

Tama baka sa kanya nga ang mga buhok na ito. Hinahangin lang kaya nagkakalat ulit.

Tinapos ko na rin agad ang winawalis ko. Alas Otso na kasi Baka patayin na kasi yung ilaw sa Corridor nitong Third floor, huhugasan ko muna itong mga kinainan ko sa kusina.

Malaki ang pasasalamat ko dahil bukas parin ang Ilaw hanggang ngayon, hindi ako mangangapa sa dilim.

Tinungo ko ang Kusina, at hinugasan ang Mga plato na pinagkainan ko.

Napakalaki talaga ng Lababo nila dito. Yung kahit dito ka na maglaba pwede dahil sa laki nito..

Natapos akong maghugas ng Pinggan at Nagpasya na akong bumalik sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at Lumabas na ng kusina.

Nakapatay na ang Ilaw sa Corridor. Mangangapa nanaman ako.

Sinimulan ko ng maglakad, at iwinawasiwas ko rin ang aking mga kamay para malaman ko kung mababangga ba ako.

May nakapa akong Door Knob ng Pinto kaya, sa Tantya ko ito na ang Kwarto ko. Kaya binuksan ko ito.

Wala ring ilaw ang Loob ng Kwartong ito. Imposible. Ang pagkakatanda ko iniwan kong may ilaw ang kwarto ko.

Isasara ko na sana ang maling Pinto na nabukasan ko ng May naghagis ng bola patungo sa pwesto ko.
Huminto ang bola sa paanan ko.

Nagtatakang nagpalingalinga ako..

Bakit may bola dito? May bata ba dito?.

Dinampot ko ang Bola at Ihinagis sa loob ng Kwarto na madilim.

Isasara ko na ulit sana ang pinto ng maulit uli ang paghagis ng bola sa paanan ko.

"May tao ba jan?" Kahit kinikilabutan na ako. Naglakas loob akong magtanong

Napatingin ako sa bola ng bigla ito gulong ng kusa papunta sa Madilim na parte ng Kwarto.

That time Mabilis kong isinara ang pinto ng maling kwarto na Napasukan ko at dali daling Tumakbo sa Kwarto ko.

To be Continue...........

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon