DorM 5

1.4K 31 0
                                    

Wala akong masyadong nagong tulog dahil sa mga kakaibang nangyayari sa akin.

Pangatlong araw ko palang sa Dorm na ito kung ano ano na ang nakaka engkwantro ko...

"Bakit parang puyat ka Ata?" Tanong sa akin ni Jasmine nakasabay ko kasi siyang lumabas ng Building ng Dorm namin.

"Maniwala ka man sa Hindi may mga Hindi pangkaraniwan akong nararanasan noong Lumipat ako dito" Sabi ko sa kanya.

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"Baka na hohomesick ka lang, Ganyan talaga kapag nasanay ka sa bahay niyo tapos titira ka sa ibang bahay na hindi ka naman sanay" sabi niya.

"Sana nga Homesick lang ito" Sabi ko.

Pagkatapos kung bumili sa May Convenience store na malapit, bumalik din ako agad sa Dorm ko.

Kinain ko na lang ng kinain ang binili kong pagkain, para Makalimutan ko ang Mga nangyari kagabi.

Pagkatapos kong Kumain, pumunta ako ng Kusina ng Third Floor para Hugasan ang Pinagkainan ko.

Napadaan ako sa Kwarto kung saan Ko nakita ang Bola. naka bukas ito ngayon.

Huminto muna ako sa tapat noon para silipin ang nasa loob.

Normal na Kwarto lang ito pero ang nakakapag taka ay yung Bola na nasa kama.

Kinabahan ako bigla kaya nagmadali akong pumunta sa kusina at Naghugas ako ng pinagkainan sa Lababong malaki.

Nakakaramdam ako ng Hindi maipaliwanag ng Lamig sa katawan, Kakaibang kakaiba hindi ko maipaliwanag kong ano yon.

Bumalik na ako sa Kwarto ko, pero nadaanan ko na muna ang Kwarto na May Bola. Nakasara na ito.

Ano ba itong mga nangyayari sa akin.

Sana nga Homesick lang ito

Pumasok na ako ng Kwarto ko at inilapag ang mga hinigasan ko.

Pumunta ako sa kama ko dahil narardaman ko ang Diwa ng Antok.

Ikaw ba naman ang maging Dilat magdamag diba!.

Hihiga na sana ako sa kama ko ng may makita akong Buhok.

Anong?.

Simula ng Nanirahan ako dito sa Dorm na ito, palagi na lang aking may nakikitang mahahabang buhok ng Babae.

Isa rin sa mga nakakapag taka, Paanong Magkakaroon ng mga hibla ng buhok sa sahig at sa kama ko kung Hindi ito pinapasok.

Imposible rin itong Liparin kasi nakasara ang pinto at Bintana.

Kahit kinakabahan ako, pinagpag ko ang kama ko at ginawang pala isipan na lang iyon. Inaantok na talaga ako.

Humiga na ako sa kama ko at unti unting Ipinipik ang mga mata.

Mabilis din naman akong nakatulog dahil sa sobrang antok.

Sa kalagitan ng pagtulog ko, Parang may kung anong nakadagaan sa akin. At Nahihirapan akong Huminga..

Pilit akong humihinga pero Parang may sumasakal sa akin.

Napabalikwas ako ng bangon at habol habol ko ang hininga ko.

Napatingin ako kaliwa't kanan para Makita kong may tao nga sa Kwarto ko bukod sa akin....

Napahinto ako sa Reflection ko sa Bintana na babasagin..

May kung anong Mapula sa leeg ko.
Para itong sinakal, at bakat na bakat ang Pula.

Nagmamadali akong Tumakbo sa labas at Pinuntahan si Cathy sa kanyang Kwarto.

Natatakot na ako!!!.



To be continue.......

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon