DorM 8

1.2K 28 3
                                    

Umuwi ako ng Dorm, pakiradam ko noong tumapak ako sa Bukana ng Pinto ay Bumigat nanaman ang Nasa likod ko.

Please, tantanan niyo na ako..

Agad akong Nagtungo sa Drawer ko at Kinuha doon ang mga Damit ko.

Inihagis ko ang Mga ito sa kama.. Kailangan ko ng makaalis dito..

Takot na takot na ako.

Kinuha ko ang Cellphone ko muka sa Bulsa ko at Tatawagan ko ang mga pamilya ko sa Probinsya para sabihin na Uuwi na lang muna ako sa kanila, tyaka ko na lang ipapaliwanag kapag nakarating na ako doon.

Dahil nanginginig ang Kamay ko. Aksedente kong nabitawan ang Cellphone ko sa gilid ng kama.

Napatingin ako dito ng may Kamay na nanggaling sa ilalim ng kama at kinuha ang cellphone ko...

Natataranta akong Tumakbo sa kama..

"Tantanan niyo na ko Please tantanan niyo na ako!" Sabi ko.

napatigil ako sa pag iyak ng marinig kong nag riring yong Cellphone ko..

Sa tantya ko ay Nasa ilalim ng kama nanggagaling ang Tunog ng Cellphone kong nag Riring.

Dahan dahan akong Bumaba ng kama ko at sinilip ang Ilalim ng Kama..

Nakita ko doon ang Cellphone ko na Nakabukas at Nag riring Nga.

Baka si Mama o kung sino sa Probinsya ang Tumatawag sa akin.

Nanginginig man ako ay Inabot ko ang Cellphone ko...

Nang mahawakan ko Ito nakaramdam ako ng Malamig na Humawak sa paa ko...

Ang sunod kong naramdaman ay Mabilis na paghila sa aking paa. Palabas ng Kwarto ko at ipinunta ako sa Kusina ng Third Floor.

Pilit akong Pumipiglas pero mahigpit ang Pagkakakapit sa paa ko..

Ayokong tignan ang Nakahawak ngayon sa paa ko. Dahil natatakot ako.. natatakot akong Makita ang Mukha niya.

Ang sunod kong naramdaman ay Ang Pagbagsak ng matigas na bagay sa Ulo ko....

Bago ako pumikit may nakita akong Paa ng babae na Namumutla.. naliligo siya sa sarili niyang Dugo....


-------------------------


Nagising ako ng may Humahaplos sa ulo ko,

Nakita ko ang Mukha ni Cathy!

"Lily gising ka na? Ano bang nagyari sa iyo?" Nagtataka niyang tanong.

"Demonyo ang Bahay na ito Cathy Kailangan na nating Umalis.." sabi ko kay Cathy

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"May mga nararanasan akong hindi kapanipaniwala" sabi ko sa kanya.

"Katulad ng?" Tanong ni Cathy.

"Ang nangyari sa akin ngayon!" Sabi ko.

"Lily, aksidente ang nangyari. Nadulas ka lang sa Kusina dahil may balat ng Saging na Nagkalat!" Sabi ni Cathy.

"Hindi, maniwala ka Cathy Hindi Aksidente yon May babaeng nagpaparamdam dito, pinokpok niya ako sa Ulo" paliwanag ko..

"Pero Lily!" Sabi ni Cathy..

Hindi siya naniniwala.

"Aalis na ako dito!" Sabi ko sa kanya at Tumayo sa Kama ko.

Napatingin kami ni Cathy sa May pinto ng May kumatok dito.

Tumayo siya si Cathy at Pinakbuksan kung sino man ang Kasalukuyang Kumakatok.....



To be Continue.........

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon