DorM 4

1.4K 33 1
                                    

Kinakabahan akong humiga sa kama ko, ano yung kakaibang bagay na naingkwentro ko sa kabilang kwarto?

Posible kayang May nanloloko lang sa akin?

Nagtalukbong ako at pumikit. Iba kasi ang nararamdaman ko sa ngayon, parang may kung anong lamig akong nararamdaman.

Makalipas ang limang minuto may narinig akong kumakatok sa pinto ko.
kinakabahan man ako ay tinungo ko ang pinto at naglakas loob na tunguhin ito.

Unti unti kong pinihit ang Door knob, at sinilip kong ano o sino ang nasa labas ngayon ng Pinto ko.

Nakita ko ang isang pigura ng babae, pero kalaunan ay nakilala ko rin kung sino ito.

"Cathy!" Binuksan ko ng napakalaki ang pinto para salubungin siya.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong niya.

"May kakaiba kasi akong naingkwentro kanina, maiba ako bakit ka pala naparito?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kasi ang Bola na ito sa tapat pinto mo, baka sayo ito?" Sabi niya sa akin at Ipinakita ang Bola.

Nagulat ako sa Bolang hawak niya.

Ito yung Bola na kanina ko nakita.

"H-hindi sa akin yang B-bola" todo tangi ko doon.

Kinikilabutan ako sa bolang iyan, parang may sa demonyo ang bola na iyan.

"Ah kung ganoon kanino ang Bola na ito? Sa pagkaka alam ko wala namang bata dito para maglaro ng Bola" sabi ni Cathy sa akin.

Napaisip ako. Tama paanong magkakaroon ng Bola dito?.

Natapos ang usapan namin ni Cathy at Bumalik na ako sa pagkakahiga.

Napaisip pa ako ng malalim. Paanong mag kakaroon ng bata dito ei! Dorm ito ng mga College student. Depende na lang kung may nananakot sa akin.

Teka! Hindi kaya si Cathy?, Mukhang hindi ako papatulugin ng Diwa ko hanggat hindi ko natutukoy kung sino ang Nasa likod nito.

Nagpasya akong lumabas ng Kwarto ko at puntahan ang Kwarto kong saan ko nakita ang bola na kusang gumagalaw.

Kahit madilim nakapag adjust naman na ang mata ko kaya, medyo may nakikita ako.

Dahan dahan akong naglakad at pakapa kapa, kinakabahan ako sa maari kong makita. Sana lang talaga, may nananakot lang.

Nakarating na ako sa kwarto kung saan ko nakita ang Bola.

Huminga muna ako bago ko ito buksan.

Pero bakit ganon? Naka Lock ang Pinto? Kanina naman ay nakabukas ito...

Napalingon ako sa kaliwa ko dahil nakita ko si Cathy na Papunta sa Kusina ng Third Floor..

Tinawag ko si Cathy pero mukhang hindi niya ako naririnig.

Iniwan ko ang kwarto at Tinungo ang Kusina kung saan ko nakita si Cathy na pumasok.

Binuksan ko ang pinto ng kusina, inilibot ko ang mata ko sa loob neto pero wala akong Cathy na nakita...

Imposibleng hindi siya yon.. sa sobrang bilis namin ni Cathy nagkakilala imposibleng hindi ko matandaan ang Tindig niya.

Napatingin ako sa paanan ko, nagulat ako sa nakita ko. Ito yong bola.

Agad kong sinara ang pinto. Dahil kinilabutan ako sa bolang iyon..

Agad kong tinungo ang kwarto ni Cathy at kinatok ito.

Bumukas ang pinto niya at bumungad sa akin si Cathy na Naalimpungatan sa pagtulog.

Hindi maari ito....

To be Continue........

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon