DorM 2

1.9K 46 3
                                    

Binuksan ko ang Pinto at bumulaga sa kin si Cathy.

"Oh naparito ka?" Tanong ko kay Cathy

"Gusto ko lang sanang Magpakilala sayo ng maayos." Sabi niya.

Nagmamadali kasi siya kanina noomg napadaan ako sa Dorm niya.

"Pasok ka!" Inanyaya ko siyang pumasok sa Loob, para doon kami magusap.

"Salamat" pumasok na siya sa Loob ng Dorm ko.

pinaupo ko siya sa kama ko.

"Ako nga pala si Lily, Ang Ganda sa Maynila Grabe!" Natatawa kong sabi.

"Oo tama ka! Manghang mangha rin ako noong una kong punta dito!" Sabi niya at ngumiti.

"napansin ko lang kanina bakit may mga pasa ka sa Braso" pag iiba ko ng Topic. Pansin ko pa rin kasi ang mga Pasa niyang nangingitim

"Hindi ko nga rin alam kong saan ko nakukuha ang mga ito, pagkagising ko na lang may mga pasa na ako" sagot niya.

"Baka naman Hayop o insekto ang may gawa niyan?" Sabi ko sa kanya

"Ewan ko din! Pero bakit hindi ko man lang nararamdaman" sabi niya.

Tama siya Dapat kung Kinagat siya. Naramdaman niya na ito, perowala man lang siyang Nararamdaman.

Nagpaalam na rin si Cathy ng Matapos kaming mag usap.

Bumalik naman ako sa pagkakahiga ko dahil nararamdaman ko nanaman ang pagbagsak ng mga talukap ko.

---------------------------------------------

Nagising ako sa bagay na Tumutunog.

Para itong Tunog ng pintuan na Dahan dahang Sumasara.

Tinungo ko agad ang pintuan ko dahil nanggagaling nga doon ang Ingay na naririnig ko.

Nagtataka akong napatingin sa pinto dahil. Nakabukas ito ng bahagya..

Ang natatandaan ko paglabas ni Cathy kanina ay ni lock ko ang Pinto. Bakit nakabukas na ngayon ito?

Pinuntahan ko ang pinto at sinilip ang Labas ng mahabang Corridor ng Third Floor.

Patay na ng ilaw dito. Tanging buwan na lang ang nag sisilbing liwanag sa kahabaan ng Corridor.

Baka hindi ko nasara ang pinto kaya, naabutan ko ngayong bukas ito.

Bago ako pumasok sa Kwarto ko. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya ako na Pumunta muna sa Kusina nitong Third Floor.

Kahit madilim sa Corridor. Hindi ito naging hadlang para makarating ng Kusina.

Hinawakan ko ang Door knob para buksan ang Pinto ng kusina.

May naramdaman akong basa at Magaspang sa kamay ko noong Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa Door Knob ng Kusina.

Binuksan ko ang ilaw ng Kusina dahil madilim dito.

Pagbukas ko nang ilaw tyaka ko lang din nakita ang magaspang at basa na nasa kamay ko.

Basang buhok ito. Mahahaba ang mga buhok na ito pero bakit basa?, Saan naman galing ito?

Tinapon ko ang mga basang bohok sa Basurahan at Isina walang bahala na lang ang mga iyon at ginawa ko ang Pakay ko sa Kusina

Ang uminom ng Tubig


To be Continue........

DorMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon