Prologue
Third Person's POV
“Rowell will have the organization. While you, Andrei, will have the secret treassure.”
Simula noong i-anunsyo 'yan ng Godfather bago ito mamatay ay hindi na 'yan nawala sa isipan ni Rowell.
Hindi siya nakuntento sa desisyon nito. Bakit ang organisasyon lang ang napunta sa kanya? Hindi ba dapat ay pati ang sikretong kayamanan ay makuha niya dahil siya ang nagpalago ng negosyo ng kanilang organisasyon noong mga nakaraang taon?
Bata pa lamang sila ni Andrei ay nagpapalamangan na sila. Ang kompetisyon ay hindi na naalis sa kanilang dalawa. Dahil, bata pa lang sila ay sinabihan na sila ng Godfather tungkol sa possible nilang mamana kung magpupursigi sila—ang sikretong kayamanan.
Walang may alam tungkol sa kung gaano kalaking halaga ang naroon sa sikretong kayamanan. Ang tanging alam lang nila ay inipon ito ng kanilang lolo sa tuhod para sa kanilang kinabukasan.
“Master Rowell...” bungad ni Jean—isa sa mga matataas na opisyales ng organisasyon. Yumuko ito bilang pagpapakita ng paggalang.
Tumingin muna si Rowell sa orasan bago ibalik ang tingin kay Jean. “Nahuli ka ng limang minuto.”
Atomatiko namang napayukong muli si Jean. Tila ba'y napahiya. “Pasensya na po, Master...”
“Maupo ka na lang at nang makapag-umpisa na tayo. Ikaw na lang ang hinihintay.”
Nagmamadali namang umupo ito.
“Nagpatawag ako ng meeting dahil mayroon akong ia-anunsyo na mahalagang bagay...” panimula ni Rowell. “Nakuha ni Andrei ang sikretong kayamanan. Hindi ako ang nagmana nito kung hindi ang walang kwents kong kapatid.” Sumama ang mukha niya habang nagsasalita. “Hindi ako makakapayag sa ganoon. Akin dapat ang kayamanan mula sa Godfather. Pinagsikapin kong palaguin ang negosyo at hindi ako makakapayag na ang organisasyon lang ang makukuha kong kapalit mula sa lahat ng pagsisikap na ginawa ko.”
Napa-maang naman si Gregor dahil sa sobrang pagkagulat. “Paano na Master ang ipinangako mo sa aming kayamanan? Napalago na ang organisasyon at napasaya mo na ang Godfather dahil sa ginawa mo katulong kami. Paano naman kami? Balewala na lang ang mga nai-tulong namin sa 'yo?”
Umiling si Rowell. “Hindi. Hindi ako makakapayag na hindi sa atim mapupunta ang sikretong kayamanan.”
“At anong gagawin natin? Papatayin si Andrei?” singit ni Kaitos. “Hindi pwede! Kung saka-sakali ay tayo ang mapagbibintangan dahil alam ng lahat ng tauhan niyo ang tungkol sa kung gaano kalaki ang kumpetisyon sa pagitan ninyo!”
“Huminahon ka, Kaitos. Walang magagawa ang galit mo,” pag-aawat ni Jean.
“Kaya tayo naparito ay upang planuhin kung paano natin makukuha ang kayamanan,” malumanay na sabi ni Rowell bagama't bakas pa rin sa b9ses ang pagiging seryoso. “May naisip na akong plano. At ang hindi sasama sa planong ito ay otomatikong tagal na ng organisasyon.”
At simula noong araw na 'yon, nag-umpisa na silang mag-usap-usap at pagplanuhan kung paano nila makukuha ang sikretong kayamanan. Kung paano mapapasa-kanila ang Godfather's Inheritance.
![](https://img.wattpad.com/cover/150307905-288-k813037.jpg)
BINABASA MO ANG
Godfather's Inheritance
Mistério / Suspensewriters: @daisukeeee @leeeeexy editors: @jeyceb @meylkeo