He's Ruthless by: myscarletlettersVOTE...COMMENT...READ...ENJOY...
**************************************
Kabanata 6
"Seriously! Dapat ipaalam mo kay Azi na may mga anak kayo!" agad kong tinakpan ang bibig ni Misty. Ang lakas kasi at baka madinig ng mga bata.
Nasa silid nila ang kambal at natutulog.
It's Sunday in the afternoon at halos dalawang linggo na rin ang nakakaraan simula nung pagkikita ulit namin ni Misty. I gave her my number and address at nagulat nalang ako nung biglang bumisita siya kanina. Wala man lang siyang pasabing bibisita siya.
Pagkarating niya dito kanina ay halos lahat ng tingin ng mga kapit bahay ko ay napapatingin sa kanyang sasakyan. Sino ba ang hindi mapapatingin if isang Chevrolet camarro ang paparada sa harap ng aming apartment.
"keep it down will you. Baka marinig ka ng kambal." Sabi ko sa mahinang tono.
Tumango naman siya at inalis ko na ang kamay ko sa kanyang bibig. I just heave a deep sigh. Hindi talaga ako titigilan ng isang to.
Nung nakaraan, na ikwento ko na sa kanya kung paano nagkaanak si Azrael sa akin. halos pigil hininga siyang nakikinig sa kwento ko. May part pa nga nung umiyak siya nung nakwento kong namatay na ang tatay ko.
Naging close kasi sina nanay at tatay kay Misty. Halos sa bahay parati kami tumatambay noon at dahil palaging nasa ibang bansa ang magulang niya kaya parang magulang na rin ang turing niya sa magulang ko.
"pero seriously Lluvia. Azrael has the right to know the whole truth. You're kids need to know to whole truth. You kept the truth from them for years." Aniya.
Conscience and guilt are invading my mind. Nalilito na ako sa pagbabalanse sa mga dapat kong gawin.
"alam ko naman eh, pero natatakot ako. Natatakot akong kunin nya ang mga anak ko." Nang hihina ko sabi.
Napayuko nalang ako dahil napaisip ako na baka sa susunod na mga araw ay bigla nalang mawala sa akin ang kambal. Na bigla nalang mawala ang mga nakasanayan ko. Na baka mawala ang pinanghuhugutan ko ng saya at inspirasyon.
"alam ko it's hard on you pero dapat isipin mo rin si Azi. Wala siyang alam na may mga anak kayo. Two beautiful kids, Llu. Baka siguro kung nalaman niyang may mga anak kayo ay noon pa matagal ng nagbago si Azi." Pagpapakunsyensya niya sa akin.
Am I doubting the decisions I've made. Did I pick the wrong choice?
Tumulo nalang ang luha sa mga mata ko at para itong ilog na patuloy lang sa pag-agos. Napatakip nalang ako sa mukha ko at humikbi. Ayokong marinig ng kambal ang hagulgol ko.
Misty hugged me at hinahagod niya ang likod ko. "I'm sorry dahil pinaiyak kita Llu. Pero hindi kita papangunahan sa mga desisyon mo."
"sorry rin. Iyakin pa rin talaga ako." I smiled at her at inalis ko na ang luha sa mata ko.
"by the way, Llu. Birthday ni mommy this Friday at alam mo naman yun dapat engrande ang kaarawan at hinahanap ka rin niya. She misses you daw. Hindi ka na raw kasi bumibisita sa bahay."
"syempre nasa ibang bansa ka na. Nakakahiya naman sa magulang mo noh na pupunta ako dun sa inyo." Sabi ko.
"haynako... basta ah pumunta ka sa birthday ni mommy ako na ang bahala sa susuotin mo. And dapat by two pm sa wednesday tapos na ang trabaho mo. Magshoshopping tayo."
Tumayo na siya at hinatid ko naman siya sa baba kung nasaan nakapark ang kotse niya. "bye Lluvia. Until we meet again." She winked at me at pumasok na kanyang kotse.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless (Revised Charooot!)
Ficción GeneralLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...