He's Ruthless by: myscarletletters
Thank you sa patuloy na bumabasa nito. I love you all. ^_^ warning masenwal ang chapter na ito kaya pinapayo ko read at your own risk. We are in the right mind to know what is right or wrong. Please vote and comment hahahaha !
**********************************************
Kabanata 24
"Oh my God ah! Kinikilig ako sa inyo ni sir Azrael! Jusko Lluvia ikaw na talaga ang may pinakahabang buhok!" sabi ni Hilda pagkatapos niyang magdive sa kama sa kanilang kwarto.
"Oo nga Lluvia. Sana may dumating din na Azrael sa buhay ko, Yung sobrang gwapo, sobrang yaman at sobrang yummy! Tapos gabi gabi kaming mag-aano! Ang sarap nun!" aniya Meltia at pinagnasaan si Azrael sa kanyang isipan.
Umupo ako sa kama at hinanda ko na ang maleta ko. Pupunta kasi dito si Azrael mamaya at lilipat niya na daw ako sa villa niya at sinabi ko naman ito sa mga kaibigan ko. Nagtilian pa nga ang apat kanina nung sinabi ko at sabi pa nila ang swerte ko daw.
E swerte din naman yun sa akin e! nabigyan ko kaya siya ng kambal!
"Bagay na bagay talaga kayo. Maganda ka at gwapo siya, nung nakita ka nga namin nila Ingrid at Meltia akala namin model ka ng Victoria secret e." utas ni Gretta habang nagsusuklay ng kanyang buhok.
"Exaggerated naman nito. Hindi naman pang Victoria secret ang drama ko e. Hindi naman ako ganun ka ganda." May halong hiya sa tono ng boses ko.
"Don't me ah! Ang ganda ganda mo kaya, Lluvia! Kita mo nun naglalakad tayo papuntang infinity pool grabe ang tinginan sayo ma pa babae man o lalaki. Tapos nung nakabikini ka nalang sa pool ang lalagkit ng mga titig ng lalaki at lumapit pa sila para makipagkilala sayo." Ani naman ni Gretta.
"Sana kasing ganda kita Lluvia for sure baka nabihag ko na ang puso ni sir Hans!" natatawang sabi ni Ingrid.
"Hoy gaga may fiancée na si sir noh. Ang ganda kaya ni maam Corrine! Para siyang diyosa." Sabat naman ni Hilda.
Siguro sobrang ganda talaga nitong si Corrine dahil baliw na baliw itong si Hans sa kanya.
Sa sobrang curious ko ay na ipagkompora ko nalang ang sarili ko sa babaeng yun. Baka nga may gusto si Azrael dun kasi nagkaroon pa nga siya ng time na gusto niya itong pagtripan para maghiwalay sila ni Hans.
"May picture ba kayo niyang si Corrine?" tanong ko sa kanila.
Nagtinginan ang apat sa isa't isa as if nagtanong ako sa boxer size ni Hans sa kanila. Pero kung wala silang picture okay lang rin. Baka mathreatened lang ako e.
"Ay wala e pero friends kami sa fb! Mang s-stalk nalang tayo ng pictures niya! At nakafollow din naman ako sa kanyang instagram." Sabi ni Hilda at kinuha sa compartment ng maleta niya ang kanyang cellphone.
Binuksan nito ang kanyang cellphone, tumawag pa kami sa front desk ng hotel para maitanong kung ano ang password ng wifi at sabi naman nila ay 'foR3v3r143'. Hindi ko alam jejemon pala ang may-ari ng hotel and resort na ito, tawa pa kami ng tawa dahil sa bwesit na password na yun. Nahirapan tuloy kaming huminga kakatawa.
"Ito oh! Diba ang ganda ni maam Corrine!"
Agad pinakita sa amin ni Hilda ang kanyang cellphone at agad naman namin itong pinagkaguluhan. Pagtingin ko sa larawan ni Corrine isa lang ang masasabi ko 'Diyosa'. Ang ganda ganda niya, kitang kita sa picture na sobrang sopistikada niya at napakaclassy. Kahit ang tindig nito ay pinagsisigawan ang kanyang mala diyosang ganda at kung gaano si kayaman.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless (Revised Charooot!)
General FictionLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...