Kabanata 11

253 6 0
                                    


He's Ruthless by: myscarletletters


*********************************************

Kabanata 11

Kinakabahan akong umalis sa kinatatayuan nila tita at tito. Parang may mga baliw na mga kabayong pinakawalan sa puso ko sa bilis ng pagpintig nito. Natatakot kasi ako na baka makilala nila ang mga anak ko. I know I'm acting like a paranoid but hindi ko maiwasang hindi matakot at kabahan sa maaaring mangyari kapag nakilala nila ang kambal.

Wala akong kakilala sa party na ito dahil sa tingin ko halos lahat ng mga tao dito ay businessmen. Suminghap ako at tinignan ko ang aking mga anak.

"nay gutom na ako po." Inosenteng utas ni Ark.

"wow! Nanay parang princess lahat ng mga babae oh. Parang mga fairy." Manghang mangha na sabi naman ni Aly.

Natutuwa pa rin ang baby girl ko dahil sa mga nakikita niya. Para sa kanya ay isa itong engrandeng ball na kung saan may mga prinsipe at princesa.

"oo. Sige kakain na tayo." Ani ko sa dalawa.

Tinahak ko ang daan pa tungo sa buffet table na nandun malapit sa Victorian style windows nila. May mga tao ng nandun at kumukuha na rin ng pagkain habang ang master of ceremony ay sinisimulan na ang programa. Tinawag pa sa stage si tita at nagbigay ng mga kanyang speech. Nakita ko rin dun si Misty at masayang sinasamahan ang kanyang ina sa entabladong ginawa para lang sa party na to.

Namiss ko tuloy ang nanay ko. I wish I can go to our probinsya. Kaso yung mga kapatid ko galit pa rin sa akin. I can't blame them. I left my father para maging stripper.

Pagkarating ko sa buffet table ay di ko mabilang kung ilang putahe ang hinanda nila. Yung ibang ulam ay ngayon ko lang nakita at yung iba ay may kakaiba pang pangalan na ang hirap espelingen.

Kumuha ako ng plate at nilagyan ko iyon ng kanin, beef steak, fried chicken, Swedish beef stew, at lasagna. Nasa gilid lang ang kambal at nakaupo sa upuan. Ang behave nila at ang observant pa. May mga lumalapit sa kambal at kinukurot ang pisngi nila. I guess, hindi sila nakaresist sa kakyutan ng mga anak ko. I can't blame them. Namana nila ang proud genes na yan sa kanilang ama.

"salo lang kayo ni Ark, Aly ah." Sabi ko sa anak ko.

Tumango naman siya at bumaba sa kanyang inuupuan.

"nay ikaw na ang mag sit po. Stand lang ako." Aniya at pinaupo ako sa upuan.

"ah, nay." Binuka ni Ark ang bibig niya at magpapasubo pa ang baby boy ko.

Napangiti ako dahil sobra sobrang kasiyahan ang ibinigay ng kambal sa akin. It's all thanks to Azrael. Siya ang nagbigay ng ganito ka gandang biyaya sa akin. sinubuan ko na ang kambal at sa gilid ng mata ko nakita kong may naglalakad papunta sa kinaruruonan ko. Pamilyar ang dalawang figurang naglalakad at kitang kita ko ang ngiti nung while yung isa naman ay seryoso at malamig.

Yung nakakulay puting suit ay pala ngiti. Makinis at maputi ang balat. Maamo ang mata at matangos ang ilong. Mapula pula ang kanyang mga labi at matangkad. Yung isa naman ay nakasuot na kulay itim na suit. Kahit malamig at seryoso ang mata niya ay makikita pa rin na may pagkamao ito. Kagaya nung kasama niya ay magkamukha sila.kaso kulay pink ang mga labi nito. May intensidad ang kanyang mga titig at hindi mo medaling mabasa ang kanyang mga mata. Magkatulad sila ng height.

"Ate Rain!" bati ni Tristan nung makalapit sa akin. kitang kita ko ang tuwa sa mata niya.

"Hi, Ate Rain." Malamig namang bati ni Pierre.

He's Ruthless (Revised Charooot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon