Kabanata 28
VOTE. COMMENT. READ. ENJOY.
*********************************************
"Naloloka na talaga ako sa love story mo, Lluvia. Ang daming umeeksina eh. Ngayon, itong Vince naman. My Gheed!" Naiinis na utas ni Misty habang kumakain ng hilaw na mangga at bagoong.
Naglalaway tuloy ako. Pero ayoko humingi, baka magalit sa akin to, buntis pa naman tong kaibigan ko.
Kinain ko talaga ang mga sinabi ko, I told myself na hindi ko estrestress ang buntis nato pero hindi ko na pigilan ang bibig ko. Masyadong mabigat kasi ang naramdaman ko kaya ayun, nagsumbong ako.
Nandito kami ngayon sa mansyon nila, at yung mga bata nandun sa kanilang instant babysitters na si Tristan and Pierre. Ewan ko ba bakit enjoy na enjoy ang magkapatid na yun sa mga anak ko, siguro dahil sa kanilang pagkabibo at charms.
"Tuloy ba talaga yang plano mong pagresign? Sayang din yung position mo sa kompanya nila." Utas niya sa akin.
"Oo. Nakakastress na masyado." Ani ko.
"Alam mo, your always running away, Lluvia. Kinakain ka ng mga insecurities mo and you should learn to hear his side. Hindi yung palaging ikaw nalang. Did you even let him explain?" Misty said and she was very concern for me.
"Even though nagawa lang magloko ni Azrael dahil sa problema niya, hindi pa rin naman yun dahilan para maghanap siya ng makakalampungan. Ganun ba dapat Misty? Kapag may problema kaming pagdadaanan ay maghahanap siya ng pwede niyang paglabasan ng sama ng loob?" naiinis kong sabi.
Oo mahal niya ako, yan yung sabi ni Vince pero hindi reasonable ang ginawa niya. Let's see this in his point of view. What if ako ang may problema and I vent it out by kissing some ramdom guy, ano bang mararamdaman niya? Syempre magagalit. And that's my point.
His love was not enough to prove his worth.
"Nanay! Do you have a picture of tatay?" excited na sigaw ni Aly habang nakasunod naman sa kanya si Ark at presko lang itong naglalakad papunta sa amin habang nasa side pockets ng shorts niya ang dalawang niyang kamay.
Muntik ko ng mabuga sa kay Misty ang iniinom kong tea dahil sa sinabi ng anak ko. Paano ko ba sosolusyunan?
"Yeah, nay. I want to see too, tatay's face." Dagdag naman ni Ark sa isang sophisticated straight English.
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa mga tingin ng kambal sa akin. Parang na instant hotseat ako at itong si Misty enjoy na enjoy pa.
Wala namang mawawala if ipapakita ko sa kanila ang hitsura ni Azrael, dahil hindi ko naman hahayaan magkrus ang kanilang landas.
I fished out my phone from my pocket at agad nagtungo sa gallery. May pagkagaga rin ako eh kasi punong puno ng mukha ni Azrael ang cellphone ko. May mga selfie kasi ang kulugong yun at topless pa! Baka ano nalang ang sabihin ng mga bata! Baka mapagkamalan pa nilang callboy ito.
I mentally noted na I need to delete his pictures sa cellphone ko. Nakakabwesit ang ngiti niya eh! Parang maiibsan ang galit ko tuwing nakikita ko ang ngiti niya at feeling ko nagloloose ang garter ng panty ko dahil sa kanyang mouth watering abs.
Peste na! Nasalin ata ang kamanyakan ng Azrael na yun sa akin! Bwesit!
I swiped the sequence of pictures na nasa gallery ko at nung makita kong may desente siyang larawan sa cellphone ko, pinakita ko sa kambal. Nakacorporate suit siya at ang gwapo niya dun actually. Nagtititili pa nga si Aly nung abutin ang phone ko, na parang first time pansinin ng crush niya, at si Ark naman kahit pinapakita niyang hindi siya masyadong interesado, alam na alam ko na curious din ito.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless (Revised Charooot!)
Ficción GeneralLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...