He's Ruthless by: myscarletletters
^_^ VOTE...COMMENT...READ...FOLLOW and ENJOY.
***********************************
Kabanata 19
Nasa kwarto ko kami ngayon ni Misty at ang kambal ay nanunood ng tv. Napagkasunduan kasi nilang manood nung favorite anime nilang "Pokemon" tuwang tuwa nga yung dalawa nung papasok na kami dito sa kwarto nakita ko pa silang enjoy na enjoy habang nagpapapak ng popcorn.
Kwenento ko rin kay Misty ang nangyari kanina dun sa mall. Kung papaano ako lapitan at sinampal ang katutuhanan sa mukha ko ng kaibigan ni Azrael. Tahimik lang siya habang nakikinig sa kwento ko. Tumatango tango pa ito na parang napipicture out na niya ang nangyari kanina.
"Ano ang gagawin ko Misty? kinakabahan ako baka bukas magugulat nalang ako at kukunin na ni Azi ang anak namin." Malungkot at puno ng takot kong sumbong sa kaibigan ko.
Agad niya akong niyakap at yung pinipigilan kong luha kanina na nagbabadya ay bumuhos na. Di ko makakayang mawala sa akin ang mga bata. Mawala na ang lahat wag lang sila.
"Hindi naman ata basta basta na mailalayo ni Azi ang mga anak mo sakali mang malaman niya na may mga anak kayo." Ani to.
"Makapangyarihan ang pamilya ni Azi, Misty. kaya nila gawin ang lahat." Mahina kong sabi.
Umiling iling siya at nginitian ako. "Hindi nila kaya gawin ang lahat. At sa tingin mo ba Llu, gagawin yun ni Azrael sayo. Ang ilayo sa iyo ang mga anak niyo? Ikaw nga dapat ang mas nakakakilala kay Azi diba dahil sabay kayong lumaki? Sa tingin mo ganun kasama ang childhood friend mo para ilayo sa iyo ang kambal?" tanong niya na nagpatahimik sa akin. I can see that she's hurting becausing I'm hurting.
Mabait si Azrael alam ko yun. Espesyal ang turing niya sa akin at na nakikipagbasag ulo pa siya para lang protektahan ako. Palagi niya akong pinapangiti noon at ang galante pa niya.
Napangiti nalang ako ng mapait habang inaalala ang mga nangyari sa aking buhay seven years ago. Kung papaano ako pahalagahan ni Azrael. did I really doubt Azrael? na magagawa niyang ilayo ang mga anak ko?
"At dapat nga magpasalamat pa siya dahil seven years mong inalagaan ang mga bata since nung pinagbubuntis mo sila hanggang sa isinilang mo sila na nung mga panahon yung pitong taon din siyang lumalandi." Mahabang dagdag nito sa sinabi kanina.
"Ako naman ang may kasalanan eh. Kung pinaalam ko siguro sa kay Azi na may mga anak kami baka mas naging responsable at mature ang damuhong yun." Salaysay ko rin habang naaalala ko kung papaano ako itaboy ng mga kapatid ko. Labis akong naghirap noong pinagbubuntis ko ang kambal. Tinanggap ko lahat ng lait ang pangungutya ng mga tao sa akin.
Ang sakit alalahanin ang mga nangyari noon. Ang sakit ang itakwil at ikahiya ka ng mga kapatid mo.
"Oh my gahd! Ang aga naman atang lumandi! Nakakahiya sa inyo pamilya Kuya Dennis" sabi naman ng pinsan kong babaeng si Elaine.
"Mga kabataan talaga ngayon. Ginagawang kaswal ang sex." Ani nung tita ko.
"Disgrasyada ka! Nakakahiya ka! Umalis ka dito sa harapan ko at baka masuntok ko yang dinadala mo! Tangina! Hinding hindi namin matatanggap ang anak mong yan! Nakakahiya ka sa pamilya natin! Pucha!" galit na sabi ng pinakanakakatanda kong kapatid. Nang gagalaiti sa galit si Kuya Dennis at nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"Nakakahiya! usap usapan tayo sa bayan dahil isa kang malaking kahihiyan! Nagpabuntis ka pa talaga ah! oh god! Kinakahiya kita bilang isang kapatid!" naiirita at naasar na sabi ng ate ko.

BINABASA MO ANG
He's Ruthless (Revised Charooot!)
Ficción GeneralLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...