“ Hey Kyla what do you think, if I will wear this stilettos in the next runway?”
“Ummmm, okay naman Alexi, bagay sau” comment ni Kyla
“ Well, thank for your kuripot comment, anyway I’m gonna take this heels and watch me. It will rock!” pagmamalaki ni Alexi.
Ganyan si Alexi, ang pagiging fashionista lagi ang inaatupag daig pa si Lady Gaga kung mag bihis, palibhasa part time hobby niya ang pagiging modelo at nakakarating pa siya hangang sa ibang bansa kapag may malaking event. Laki sa prominente at ma- impluensiyang family si Alexi Henares at spoiled brat, lahat ng gusto niya nakukuha niya “ What Alexi want, Alexi get” yan ang motto niya sa buhay. Kung titiganan si Alexi matangkad siya, fierce looking and supermodel look. Mayroon siyang BFF named Kyla Jane Hidalgo, she is simple girl from simple family, simple siyang mag ayos laging naka pony tail ang mahaba niyang buhok at minimal lang siyang mag lagay ng make up, kung titignan mo siya she is cute and she got the most appealing beauty even without make up. Her father is an OFW in Middle East and her mother is carenderia owner. Apat silang mag kakapatid na nag aaral at pangalawa si Kyla sa magkakapatid. Scholar siya sa University na pinapasukan ni Alexi, pinag buti ni Kyla ang pag aaral upang pumasa sa sikat na university at makatulong din sa magulang niya. Fourth year high school ng mag kakilala sila ni Alexi hangang sa tumungtong sila sa Freshman sa kursong B.S Architecture sa Collegio de San Sebastian kung saan nakilala ni Alexi si Brent na kumukuha ng kursong Engineering, graduating student na si Brent. Naging mahirap din kay Brent ang pag pag hihiwalay ng magulang kaya naging rebelde siya at namuhay mag isa sariling Condo habang sinusoportahan ng kanyang Daddy sa pag aaral at iba pang naisin nito. Naging boyfriend ni Alexi si Brent. Upang makalimutan ang hinanakit sa magulang ang tanging libangan niya ay car racing na lubusang taliwas sa kagustuhan ng magulang niya. Maraming nag kaka gusto sa kanya bukod sa makisig na pangangatawan meron siyang killing smile and chiselled face that you adore, he almost look like Robert Pattinson namana niya ang itsura sa kanyang British blooded na ama.
Alexi and Brent become the popular couple all over the campus. Talagang bagay sila from head to toe, kaya lang ayaw ipahalata ni Alexi ang kabobohan niya kay Brent pag dating sa mga subjects to the rescue naman itong Kyla sa pag tutor sa kanya na hirap na hirap ipasok sa maliit na kokote ni Alexi.
“ Ano ba, Alexi please mag focus naman sa tinuturo ko, puro ka nalang kasi magazine at facebook”
“ Wait lang Kyla accept ko muna friend request ni Drake..We have dinner date tomorrow eh. mmmm there you go” sabay agad balik kay Kyla.
“ Diyos ko naman, Alexi! May Boyfriend ka na di, ba? Eh paano pag nalaman yan ni Brent, ano sasabihin niya. Mag isip ka nga.”
“ Gosh! Di naman nya alam unless na sasabihin mo and besides it’s only friendly dinner date.
“ Ewan ko sayo, ang lamig dito sa kuarto mo, pwede pahinaan mo yung aircon” request ni Kyla
“Okay, basta gawin mo din pinapa search sa atin ng old geek nating professor, I’m fed up na, Can you teach again next week? I should have beauty rest for tomorrow’s adventure with Drake” sabi Alexi na abot ang ngiti sa tenga.
“ Ano sasabihin ko kay Brent if ever na hanapin ka sa kin, alam nya tayo lagi mag kasama? Tanong ni Kyla kay Alexi
“ Tell him I’m in the Mars with the Martians” at nag talukbong ng unan sa mukha si Alexi sabay tinulugan si Kayla na iilang ilang.
“ O anak ginabi ka ata?” tanong ng kanyang mama na nag aayos ng rekado para sa kinabukasang menu sa carenderia.
“ Pumunta lang po ako kila Alexi, ma. Sabado naman po bukas at wala kaming pasok sa school kaya matutulungan ko po kayo bukas sa pag luluto”
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Best Friend
ChickLitBeautiful Alexi is being too touchy and confirmed Drama Queen in the whole campus compare to her BFF cutie Kyla Jane is wasting her time in charity works and certified virgin until she falling in love in her best friend's boyfriend Brent Latsis who...