Chapter 14 - The Happy Ending

2.9K 74 6
                                    

Walang sigla pa rin ang buhay ni Kyla para itong tinapay na walang palaman o cellphone na walang wifi . Marahil ganun talaga ang first love, mahirap kalimutan at masakit pag nawala, pero parte ito ng buhay na isang tao, kailangan natin masaktan upang matuto.  

“ ate Kyla bakit hindi na namin nakikita si Kuya Brent, Nasaan siya?” tanong ni Tinoy ang batang nakatira bahay ampunan.

“ Wala na siya Tinoy. Kalimutan na natin siya. Okay? Aalis na ako, mag aral kayong mabuti ha” sabi ni Kyla sa mga bata.

“ Kyla salamat sa pag tuturo mo sa mga bata ha, mag ingat ka sa daan, gumagabi na kasi” sabi ni sister Marian.

“ Walang anuman po, mauna na po ako”

Pauwi na si Kyla

Gumagabi na at parang uulan 

Malapit na si Kyla sa bahay nila, kunti nalang ang lalakarin niya. Minsan kasi nakakatakot mag lakad dito, walang katao tao.

Nang biglang umambon.. lakad pa rin siya ng lakad.. 

May sumusunod sa kanya, pero pag tingin niya sa likod niya walang namang tao, mga pusang gala lang ang naroon.

Kinakabahan na siya 

Dug! dug! dug!

Tanging kaba ng puso niya lamang ang naririning niya

Nakarinig siya ng yabag ng tao.. palapit ng palapit sa kanya

Tumakbo siya 

Patuloy parin itong sumusunod sa kanya.

Nang maramdaman niya na malapit na ang taong sumusunod sa kanya, hinambalos niya ito ng kanyang bag

"  Ouchhh!"

Nang tinanggal ng lalaki ang hood ng jacket niya, nakita niya kung sino ang sumusunod sa kanya

" Ahhhhhhhh" napasigaw si Kyla.

" Bakit ka ba nag paparamdam, patay ka na Brent" natakot si Kyla sa nakita

" Kyla, buhay ako, buhay ako!" kinuha ni Brent ang kamay ni Kyla upang patunayan na buhay siya. 

“ Brent…!!! Brent buhay ka nga! Eh, bakit mo naman ako tinakot ng ganito ha. Papatayin mo na ako sa sakit sa puso?” 

“ Sorry, kung natakot ka, sorry din sa biglaan kong pagkawala” sabi ni Brent

“ Ano nangyari sa iyo, hinanap kita?"

"Noong naaksidente ako inilipat ako ng daddy ko isa ibang hospital, inilihim nila iyon sa mga kaibigan ko, for my own sake. Noong magkamalay ako, Inilayo niya ako dito at dinala ako ng daddy ko sa London for another operation, and it was successful. Nalagpasan ko ang kamatayan, Kyla!" paliwang ni Brent 

“ Brent I’m sorry… hindi ako nagtiwala sayo, sana hindi tayo nag kalayo. I miss you so much” sabi ni Kyla at hinalikan niya si Brent sa labi ng boung pananabik

Niyakap ni Brent si Kyla ng mahigpit.

" Brent, hindi na ako lalayo sa iyo, promise" 

“ Kyla , will you marry me someday?

---------------******----------------

Wakas 

(888)

My Girlfriend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon