Chapter 8 - The Return of Alexi Henares

1.7K 50 0
                                    

Uy Kyla nabalitaan namin ang ginawa niyong kabayanihan ni Brent sa Nueva Ecija, I heard na nominated kayo sa Colegio de San Sebastian’s Student Golden Heart Award 2014” sabi ng classmate niyang si Maia.         

Napangiti lang si Kyla, para sa kanya very memorable ang araw na iyon na kumukurot sa kanyang puso sa mga nasalanta at nasawi at pag sibol ng isang pag-ibig sa pagitan nila ni Brent.

“ Nabalitaan mo na ba, Kyla?” tanong ni Maia.

“ Ang alin”? tanong niya sa classmate

“ Yung inglesera mong friendship babalik na?” 

“ Si Alexi…” kinabahan siya

“ Wala ng iba”

Pag katapos ng clase nila sinundo ni Brent si Kyla. Niyaya niya ito sa park para mag usap

“ Kyla, alam kong biglaan ang nangyari sa atin, pero patawad, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin” pagtatapad ni Brent 

“ Hindi mo naman kaylangang mag sorry Brent, tao lang tayo” sabi ni Kyla

“ Kyla, I know I sounds like presko if I ask you, if you love me?” tanong ni Brent.

Napigilan si Kyla at nag iisip ng isasagot niya kay Brent, Oo or hindi.

“ Kyla, hindi naman ako nagmamadali. I’ll give you a time, let’s go now” sabi ni Brent .Tumayo siya  patungo sa kanyang kotse.

“ Sandali lang Brent….” Agad na napalingon si Brent sa kinaroroonan niya” 

“ Oo, mahal kita” sabi ni Kyla na napakagat labi

Sumigla ang puso ni Brent sa tuwa.

“ Talaga Kyla, tayo na. Walang bawian ha, nanag-inip ba ko, pendongan mo nga ako” sabi ni Brent

“ Sira”    

“ Susunduin kita bukas may surprise ako sayo” at hinalikan niya sa noo ang kanyang bagong girlfriend

Sinundo ulit ni Brent si Kyla at pupunta sila ng resort sa Lucena. Ang pag kaka alam ni Kyla isa lamang itong swimming pool pero isa itong sikat na tourist attraction, mayroon itong talon or falls pangarap kasi ni Kyla na makarating sa ganung lugar.

Nilagyan ng blind fold si Kyla ni Brent sa mata bago pumunta sa edge ng falls 

“ O tatangalin ako na itong blind folds ha.. 1..2..3..” sabi ni Brent

“ Wooow Brent… ang ganda..” mangha ni Kyla

“ Tatalon tayo diyan, hindi naman malalim yan eh”

“ Hinahamon mo ata ako eh, tara” hamon ni Kyla

“ Okay 1..2..3”

At sabay silang tumalon sa falls, pag kabagsak nila sa tubig hinawakan ni Brent si Kyla sa baywang

“ This is the happiest moment in my life to be with you in a risky and dangerous way” at hinagkan ni Brent si Kyla sa labi, isinuko niya ang kanyang damdamin kay Brent. Nang mag lapat ang katawan nila sa tubig naramdaman niya ang pag kalalaki ni Brent na kumukoryente sa kanya kaya agad siyang umiwas.

----------------****-----------------

Bumalik na si Alexi upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at si Brent kaagad ang hinanap niya. 

 “ Kyla, I’m so sorry If I didn’t answer your call, naging busy lang ako sa Singapore. Favor naman, total you always help me of everything. Please tulungan mo ako mag kabalikan kami ni Brent  ” paki usap ni Alexi

“ Ha! Di ka ba nag bibiro, di ba wala na kayo ni Brent? Boyfriend mo na si Drake” biglang natuyuan ng lalamunan si Kyla at may biglang gumapang na kirot sa kanyang dibdib.

“ Unfortunately hindi naging successful ang relationship naming ni Drake, may iba siya. I’m sure naman na binantayan mo si Brent para sa akin, aren’t you? ” 

“ O-oo naman…” utal utal na sabi ni kyla kay Alexi,mahirap pa kasi sa  Math ang tanong ni Alexi sa kanya, kung pwede lang siya mag sabi ng “pass the question”, pero higit sa lahat napakahirap aminin sa kaibigan niya na sila na ni Brent. Natatakot siya sa magiging reaction ni Alexi kapag ipinagtapat niya ito, dahil lingid sa kaalaman ni Kyla mahal parin niya ang dating boyfriend.

Inabangan ni Alexi si Brent sa subject room ng mga engineering student. Nag pasama ito kay  Kyla.

“ Babe …”

“ O Alexi, you are here”

“ Can we talk please, we really need to talk” paki usap ni Alexi kay Brent

“ Ano ba pag uusapan natin?” tanong ni Brent sabay tingin kay Kyla. Tumingin si Kyla kay Brent na palihim na nag sasabing “pagbigyan mo na”

“ Okay. Let’s talk” 

 Pumunta sila sa café para mag usap

“ Kyla, Brent and I will talk, can you stay in the outside. It wont be long, promise” sabi ni Alexi kay Kyla. Umalis si Kyla sa table nila Brent at Alexi at umupo nalang siya sa labas ng café para mag hintay

“ You go first” sabi ni Brent

“ Aren’t you excited I’m back. Babe I want to make it up to you, I realized that I still love you” sabi ni Alexi. Napa iling si Brent

“ Alexi, break na tayo, wala na tayo, ikaw ang nag decision nun, hindi ako” 

“ Babe sa internet lang tayo nag break nun, it should be in personal and the break-up in the net is not valid to me” sabi ni Alexi

“ Hey do you know what you are talking? Please Alexi grow up. Break up is Break up it’s a decision. I’m not your toy-boy, babalikan mo kung kelan mo gusto. I need space, Alexi.

“ Babe please understand me” sabi ni Alexi at hinawakan niya ang kamay ni Brent at hinalikan niya si Brent  sa labi. Nakita iyon ni Kyla at nasaktan siya sa nakita. 

“ I want to go now, Alexi”

“ Tell me, are you going out with someone?” 

“ None of your business Alexi”

“ If I found out who is that girl that you are flirting with, humanda siya sa akin. I’ll make her life miserable” banta ni Alexi kay Brent

“ You are delirious, Alexi!” iniwan siya ni Brent

My Girlfriend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon