Chapter 12 - The Tragedy

1.8K 48 0
                                    

Mag iisang lingo ng hindi pinapansin ni Kyla si Brent. Hindi naman makatiis si Brent na puntahan siya sa kanilang bahay at nag usap sila sa labas 

“ Brent bakit ka nandito, di ba sabi ko sayo ayaw ko na, doon ka nalang kay Alexi”

“ Kyla bakit mo pa ako pinag tutulakan sa babaeng iyon. Ikaw ang mahal ko, hindi siya”

“ Niloko mo ako Brent, hindi pa sapat na dahilan iyon, hindi pa ba sapat na nakuha mo na ako? 

“ Ano ba ang pinagsasabi mo, yung nangyari sa atin, it’s very special to me. Minahal kita hindi dahil doon” paliwanag ni Brent hawak ang kamay ni Kyla.

“ Bitiwan mo ako, Brent, nag decision na ako. Iwan mo na ako, please..”

Walang magawa si Kyla kundi pag masdan ang pag alis ni Brent sa kanyang piling sa kabilang banda sobrang nasaktan si Kyla sa pakikipag hiwalay nito sa kanya pero kailangan gawin niya iyon para sa sarili niya at para sa tunay na nag mamay ari sa puso ni Brent.

Pag katapos mag usap sila ni Brent sa labas ng bahay nila agad itong tumakbo sa kuarto niya at napansin iyong ng mama niya

“ Ano ba nangyari sa ate mo, nag away ba sila ni tisoy?” tanong ng mama niya kay abigael.

“ Hindi naman po iiyak si ate ng walang dahilan, malamang mama may L.Q sila”

“ anong L.Q” tanong ng mama niya

“ Lover’s quarrel po, mama naman eh, parang di kayo dumaan sa pagka teenager”

“ Ang bata bata mo pa, ang dami mo na alam. Matulog ka nga”

------------*****-------------

Binunton ni Brent ang sakit na nararamdaman niya sa car racing. May mga kasama siya na pawang mga addict din sa car racing sa bandang Regalado, Fairview. Ipanagbabawal na pakikipag karera doon, subalit pag kalipas ilang buwan para itong mga kabuting nag sulputan tuwing madaling araw

Sa isang car racing area nag tipon ang mga manunuod na pawang mga kabataan may ilang pumupusta at ang ibang babae ay handang pumorma kung sino man ang manalo sa car racing event at handa itong gawin ni Candice na matagal ng may gusto kay Brent 

Ibinaba na ang racing flag bilang hudyat ng pag sisimula.

Umarangkada agad ang mamahaling sports car ni Brent sa bilis na 266km P/H pero ang utak niya ay tumatakbo sa bilis na 300km P/H daig pa nito ang sasakyan niya sa kagustuhang  kalimutan na si Kyla.

Tuloy tuloy ang takbo ng tatlong nag kakare rehang sports car, pag dating nila sa palikong daan unang nag drift si Brent at naungusan niya ang dalawa niyang katungali, maya’t maya humababol ang isang nasa kanan niya, binilisan niya pa ang pag pedal, kasalukuyan siyang nangunguna hindi namalayan ni Brent malapit na siya sa finish line.Nagwagi siya at nag palakpakan ang mga nanonoud.

“ Congrats sayo Brent, ang galing mo! Bati ni Candice at walang pasabi pumasok siya sa sasakyan ni Brent

“ Brent I really like you noon pa. Please take me tonight, kahit one night stand lang” sabi ni Candice na nang aakit, naka low neckline ito at naka mini skirt. Hahalikan na niya sana si Brent pero umiwas ang binata kay Candice.

“ Are you crazy?” sabi ni Brent kay Candice

“ Don’t tell me you are gay, sa ganda kong ito, hindi mo pa ako gusto?”

“ Bumaba ka na Candice… Now!” pag tataboy nito kay Candice.

Hindi akalain ni Candice nandoon si Alexi, kanina pa sila pinapanood at hindi siya naka tiis sumugod ito.

My Girlfriend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon