Samantalang si Alexi sa Singapore ay matagumpay sa kanyang mga publicity sa mga magazine pero sexy photos ito, taliwas sa inaasahan niya na maging isang sikat na supermodel ng isang sikat na lingerie brand. Ang relasyon nila Alexi at Drake ay naging masalimuot dahil napag alaman ni Alexi na may babae itong si Drake na tinatago sa kanya.
“ Drake, how could you do this to me” sigaw ni Alexi kay Drake
“ Please, shut up and let me explain” sabi ni Drake
“ I hate you! I broke up with my boyfriend just for you tapos ito pa ang igaganti mo!!!” iyak ni Alexi
“ I’m sorry Alexi, may kaylangan ka malaman….. Laurice is pregnant, hindi ko gusto mangyari ito pero…” biglang sinampal ni Alexi si Drake.
“ You… you are cheater!!!” iyak ni Alexi at sinalo ng kanyang palad ang luhaang mata, masakit ang revelation na iyon para kay Alexi. Kahit sinong babae ang makakaramdam ng ganito ay tiyak na parang binuhusan ng malamig at nag ye-yelong tubig, mas masakit pa sa physical na sugat.
Napag decisionan ni Alexi na lumayo na kay Drake at pag hahandaan niya ang pag balik sa Pilipinas upang ipag patuloy ang pag a-aral.
------------****------------
Sumama si Kyla sa gaganaping medical mission sa Nueva Ecija. Napag-alaman ito ni Brent at nag presenta siya na mag volunteer
“ Brent sigurado ka ba sa decision mo?” tanong ni Kyla.
“ Kyla I’m old enough, I know what I’m doing” sabi Brent
“ Okay naniniwala na ako sayo, salamat pala dahil sinusuportahan mo ako sa mga deeds ko”
Kaagad na umalarma ang mama ni Kyla sa pag sama nito sa medical mission sa Nueva Ecija, nag aalala ito sa magiging sitwasyon niya doon dahil may namumuong malakas bagyo sa Luzon. Mapilit si Kyla at matigas ang ulo, dahil ang dahilan niya ay may mag babantay sa kanilang mga organizer doon at ligtas sila sa kahit anong kapahamakan. Wala nagawa ang mama niya dahil ito ang gusto ng anak. Totoo pala ang kasabihan, pag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan
kahit harangan ka pa ng sibat ay itutuloy mo parin ang plano mo dahil ginusto mo ito.
Dumating na ang medical team (kasama sila Brent at Kyla) sa Brgy. Tinumbok, Nueva Ecija. Ang lugar dito ay napaka init pag summer at bumabaha kapag tag ulan at mayroon itong populasyon na 1,659,883 ang tanging pinag kukunan ng kabuhayan ng mga mamayan dito ay pag sasaka at pangingisda. Napakalayo ng hospital dito at mayroon lamang itong isang health center at isang doctor sa boung barangay. Sa labas ng health center itinayo ang tent ng medical team upang magsagawa ng libreng linis ng ngipin sa kabilang tent ay nandoon sila Brent at Kyla at iba pang volunteer upang mamigay ng relief goods. Nag tiyaga silang nakatayo habang isa isa nilang binibigyan ang mga nakapila ng isang plastic na may lamang isang kilong bigas, sardinas, noodles, asukal at kape. Medyo makulimlim na at nag babadya ito ng malakas na ulan. At pumatak na ang malalaking tipak ng ulan pero hindi parin natitinag ang mga taong nakapila kesyo mabasa ang mga ito makuha lang ng relief goods, mas okay na ang mabasa kaysa mamatay sa gutom, palakas ng palakas ang ulan at natapos na rin sila sa pamimigay ng mga relief goods.
Sumilong muna sila Brent a Kyla sa isang room ng Health Center. Hindi pa tumitila ang ulan, mag aapat na oras silang nag hihintay tumila ang ulan subalit mailap si haring araw bagkus kumukulog pa ito ng malakas, napahawak si Kyla sa braso ni Brent
“ Pasensiya ka na Brent kasi takot ako sa kulog” sabi ni Kyla
“ Nandito lang ako, Kyla. Hindi tumitigil ang ulan, baha na daw sa kabilang barangay” sabi Brent
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Best Friend
ChickLitBeautiful Alexi is being too touchy and confirmed Drama Queen in the whole campus compare to her BFF cutie Kyla Jane is wasting her time in charity works and certified virgin until she falling in love in her best friend's boyfriend Brent Latsis who...