--2--

7.3K 309 7
                                    


NASA kasarapan ng tulog si Timothy, napapanaginipan pa ang sarili na nakahilata sa tuktok ng burol, pinapanood ang mga bituin sa kalangitan nang bigla, naglaho ang mga iyon at napalitan ng higanteng uwak, pinagtutuka ang noo niya. It was making a loud knocking sound as it whack his forehead over and over again. And then, the crow opened its beak and shrieked his name.

"Timotheo Del Castillo!"

"Shit!" sigaw rin ni Timothy, bumalikwas at nahulog pa sa kama. Napa-"aww" siya nang tumama ang ilong sa sahig. Sapo ang nasaktang bahagi, mabilis siyang bumangon at handa nang dukutin ang itinatagong baseball bat sa ilalim ng kama kung hindi lang napansin na hindi siya nag-iisa sa silid. Three steps away from him stood a figure. Sumindi ang ilaw at ini-reveal no'n kung sino ang pigura. "Grandma!" bulalas niya. He groaned afterwards. "Again? Hanggang kailan ba ninyo gagawin ito?" Ang shock niya ay unti-unting nahaluan ng inis at frustration. Hindi iyon ang unang beses na nag-barge in sa silid niya sa dis oras ng gabi ang abuela. That was the seventh time, in fact. At pitong gabi na rin siyang natutulog na uli sa dating silid sa mansiyon ng mga Del Castillo. Tumutok ang mga mata niya sa pangatlong tao sa silid, nakatayo sa bukas na pinto, nakalapat pa rin ang daliri sa switch ng ilaw. "At ikaw, Anette, pinabayaan mo na naman si Grandma na gawin ito."

"Alam mo namang wala akong K na pigilan si Grandma, Tim." Anette was his grandma's private nurse. Mas matanda siya nang dalawang taon dito, beinte anyos pa lang, kasa-kasama na ng lola niya. Kapamilya na ang turing nila sa babae kaya "Grandma" na rin ang tawag sa lola niya. She was also like the sister he'd never had. Si Grandma Lorena na ang nagpaaral dito sa kolehiyo. Mula rin nang maging license nurse, ang lola lang niya ang pinagsilbihan.

"Hanggat hindi ko natitiyak na ligtas ka sa kamatayan, hindi ko ititigil ito," sabi ni Grandma Lorena, lumapit sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. "Gusto kong masiguro na hindi sa akin kukunin ang paborito kong apo." Lumambong ang mga mata nito at ang katiting na inis na nararamdaman niya, inilipad na palayo. Hindi niya alam kung ma-ta-touch o maaawa siya sa abuela.

"No one's going to take me away from you, Grandma." Kinabig niya ito palapit at kinintalan ng halik sa noo.

Umiling ito. "Mapapanatag lang ako kapag ikinasal ka na, hijo. Saka lang tayo makasisigurong ligtas ka na sa kamatayan. Huwag kang tumulad kay Laurice na pinagtawanan lang ang paniniwala natin. And look what happened to her. She died on her sleep, that poor child."

Timothy hated to admit it but he felt goosebumps all over his body again. Pinsang buo niya si Laurice, na nagdiwang ng thirtieth birthday two weeks ago. It turned out, it will also be her last birthday. Ang masaklap pa, ang kaarawan din nito ang naging araw ng kamatayan nito. at hindi si Laurice ang unang Del Castillo may ganoong kaso. Kung tama ang pagkakatanda ni Timothy, Laurice was the eleventh Del Castillo who suffered the same fate. And the elderlies blamed it on their family's curse. Isang sumpa na nagsimula pa noong dekada otsenta at ang unang biktima ay ang bunsong kapatid ng kanyang Lolo Sebastian. Octavio Del Castillo died on his sleep on the night of his thirtieth birthday. Sa paglipas ng mga taon, maraming Del Castillo pa ang pumanaw sa ganoong sitwasyon at paraan. The last victim before Laurice was his Auntie Shania, the youngest sister of his dad. It was year two thousand and three when she passed away. Inakala ng lahat na wala nang kasunod. Until they received a call from Laurice's mother two weeks ago. Nadatnan umano ang babae sa mismong kama nito, malamig at hindi na humihinga.

Sa burol ni Laurice, damang-dama ni Timothy sa ere ang grief, ang tensiyon, ang takot. Kahit iyong mga non-believers, ayaw mag-take ng risk. isa roon ang kapatid ni Laurice na si Kristina. Hihintayin lang umano nito na matapos ang forty days ng kapatid at magpapakasal na, kahit pa may dalawang taon pa bago ang "deadline" nito.

My Bride, My Enemy: CHARLIE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER SWEETHEARTS ROMANCES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon