--6--

5.5K 191 6
                                    

NAGUSOT ang mukha ni Charlie nang makitang nakaabang na naman sa labas ng bahay nila ang kotse ni Timothy. Pangatlong araw nang pabalik-balik doon ang lalaki, binubuwisit siya. Kapag naubos ang pasensiya niya, ipapabugbog na talaga niya ang lalaki sa mga basag-ulo sa kalye nila.

"Nandito ka na naman," may gigil na sabi niya nang lumabas ng kotse si Timothy. "Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mong 'to? Wala ka bang trabaho at lagi kang hahara-hara sa landas ko?"

"I am the boss of my own businesses. I have people working for me kaya hawak ko lahat ng oras ko."

"Eh di ikaw na ang rich kid." Nakalimutan niyang Del Castillo nga pala ito. Minsan na ring nabanggit ni Janine na kahit hanggang ika-sampung buhay ni Timothy, hindi nito mauubos ang yaman ng angkan nito. Mabubuhay ito kahit humilata lang. Mahina siyang napabuga siya ng hangin. Ang sarap siguro ng buhay ng kulugong ito. Malamang laging masarap ang tulog sa gabi, hindi kailangang isipin kung saan na naman kukuha ng panggastos kinabukasan. Hindi mangungunsumi kapag parating na si Judith--judith sa kuryente, judith sa tubig, judith sa utang nila sa sari-sari stores at lending agencies. Minsan nga, kahit sa panaginip, nagpapakita si Judith. Hindi niya rin matandaan kung kailan siya humilata lang dahil gusto niyang i-enjoy ang rest day niya. Kahit rest day niya kasi dati, kumakayod lang. Hindi niya rin matandaan kung kailan dumukot siya ng pera sa pitaka nang hindi nararamdaman na parang may pinuputol ding bahagi ng katawan niya. Mararanasan pa kaya niya ang mag-waldas ng salapi nang hindi iniisip kung paano niya kikitain na naman iyon?

"Matagal na kayong magkaibigan ni Janine. Kahit magkaibang-magkaiba ang hitsura at kilos n'yo, para kayong iisang tao--according to her. She once called you her twin sister from another womb. May nabanggit din siya sa akin dati na minsan na siyang naglayas sa kanila. Hindi niya sinabi kahit sa'yo kung saan siya pupunta pero na-locate mo pa rin siya. I'm certain you can still do that now. Kahit magkaaway kayo ngayon, alam kong hindi nawala ang 'koneksiyon' n'yo ni Janine."

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Gagawin mo akong human tracker ng naglayas mong jowa?"

"And ofcourse, mas marami kang alam sa kanya keysa sa'kin," balewalang pagpapatuloy nito na parang hindi siya narinig. "Alam mo ang mga lugar na posible niyang puntahan."

"Hindi ko nga sabi--"

"Babayaran kita, okay?" sansala nito, halata ang iritasyon sa mga mata. "Help me find her and I'll pay you."

Saglit siyang nagitla. Pakiramdam kasi niya, may kumalansing na mga barya sa loob ng utak niya. Maraming-maraming barya. Pero hindi siya puwedeng magpadala nang basta sa alok nito. May dignidad siya. Itinakwil na niya bilang kaibigan si Janine, sumumpa na hindi na uli magpapakita rito. Mababalewala iyon oras na mahanap nila ang babae at makaharap.

"A-Ayoko pa rin."

"Ayaw mo ng pera?" Parang gulat na gulat si Timothy. Mukhang pera ang tingin ng ungas na ito sa kanya. "How about a job? Your mother told me you got kicked out of your job. I'll give you a decent job as soon as we located Janine. Hindi mo na kailangang magpagod at mapuyat sa pagiging on-call drummer sa bar na iyon, hindi mo na rin kailangang gumawa ng souvenirs. Sigurado din ako na mas malaki ang susuwelduhin mo sa trabahong ibibigay ko."

Nagulat siya dahil pati ang pag-da-drummer niya at paggawa ng souvenirs, nasabi ng nanay niya rito.

"Sa Naga City," singit ng boses sa likuran ni Charlie. Nalingunan niya si Nanay Carmen na palabas ng gate at mukhang kanina pa nakikinig sa kanila ni Timothy. "Nasubukan mo na bang hanapin sa Naga si Janine? Sa bahay ng Lola Soleng niya?"

Medyo kumunot ang noo ni Timothy. "Hindi pa po. Hindi ko po alam na may lola siya sa Naga."

"Soleana Alipoon ang buong pangalan ng lola niya. Kilalang manghihilot si Lola Soleng sa lugar nila. Kung wala siya sa Naga, subukan mo sa Legazpi, sa ninong niya na matalik na kaibigan ng tatay niya. Ricardo Salcedo ang pangalan. Nakarating na si Charlie sa mga lugar na iyon. Alam na alam niya kung paano ka makakarating doon."

My Bride, My Enemy: CHARLIE (SOON TO BE PUBLISHED UNDER SWEETHEARTS ROMANCES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon