Place: *Starry Light*
Andito na ako sa paboritong café namin ng bespren ko. As usual, late nanaman siya. Yung usapang 3 pm, nagiging 4 pm. 😪
Kaya naman naglibot na muna ako sa café. May mga bagong designs na kasi sila ngayon.
Habang naglilibot ako, may kumalabit sa'kin. At aba, ayos na ayos ang mukha ngayon ah! Kakaiba nga lang. Hahahahaha.
Jo: Teka, teka... May kamukha ka ngayon ah.
Ako: Sino naman?
Jo: Hala! Kim!
Ako: Talaga ba? Kim Chiu?
Jo: Kimmy Dora~
Ako: Ikaw nga yung Anne ngayon eh!
Jo: Anne Curtis?
Ako: ANNEchaka-chaka mo kaya ngayon! 😂😂
Nagtawanan nalang kami at nung naramdaman na naming nagtinginan silang lahat sa'min, umupo nalang kami sa pinakamalapit sa'min, kahit na hindi ito ang aming favorite spot. 😫
Ako: Anyare dyan sa mukha mo? Mukha kang espasol! 😁
Jo: Alam mo naman si mader, laging pinagpapraktisan mukha ko, diba?
Ako: Oo, pero bes, sumobra siya ngayon eh. Ano bang okasyon?
Jo: Ha? Talaga? Siguro, para sa pang-Chinese New Year. Teka lang... CR muna ako ah.
Ano??? Ibig sabihin, 'di pa niya nakikita mukha niya sa salamin? 😱
Naglakad siya papunta sa CR.
Bigla namang nag-vibrate yung phone niya sa mesa...
Huh? Ano 'tong CL na 'to?
Girl (sa CR): AAAAAHHHH!!!!!
Haaaayyy..... Jo naman!
Nagsitinginan ang mga tao sa banda ng CR at may dalawang staff members na babae ang pumunta sa CR.
Agad din maman akong pumunta at nakita si Jo na tinatanggal ang napakakapal niyang make-up.
Jo: Halika na bes. Sa bahay nalang tayo.
Ako: Naku, pasensiya na po kayo sa kanya.
Tumakbo na kami palabas ng paborito naming café.
Sayang naman yung inorder ko. 😒
BINABASA MO ANG
#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)
Short StoryNaranasan niyo na ba yung feeling na parang kayo pero hindi? Yung answeet niyo sa isa't isa, pero hindi naman kayo mag-jowa. O di kaya'y akala mo ang sweet niya sa'yo, "friendly" lang naman pala siya. Wala ka din karapatang magselos kung may kasama...
