NOTE 4 - Dream Scream

4 0 0
                                    

Gabi na nung nakauwi ako sa bahay. Wala pa si Mama at dahil Friday ngayon, sigurado akong sa labas na sila kakain, kasama friends niya. Kaya naman umakyat nalang ako papunta sa kwarto.

Pagkahiga ko, nakita ko nanaman yung superhero ko na unti-unting sumira ng buhay ko...


ang aking tatay.

Pinagmasdan ko ulit yung picture frame.

Ako: Ano pa bang magagawa ko? Ikaw naman na ang tatay ko.

Naaalala ko nanaman yung huling pagkikita namin ni Papa...

Grade 6 ako noon at gumagawa si Papa ng aking valedictory address. Pagkatapos, binasa ko naman ito at nagpractice talaga ako kung pa'no ito bigkasin nang tama.

Kinabukasan, nalaman ko na hindi pala ako yung valedictorian. Salutatorian lang pala ako. Naisip ko na... pa'nong siya, eh may grave offense na nga siya eh, tapos ang pangit pa ng ugali. Plus, peyborit pa siya ng adviser namin. Catholic school naman 'to, pero bakit ganun?

Nung sinabi ko yung sa mga magulang ko...

Papa: Ayos lang anak, basta't ang importante, makapagtapos ka na ng pag-aaral.
Mama: Oo, anak. Winner ka pa din naman sa puso namin eh. Hali na nga kayo. Magice-cream muna tayo. Pangit na tuloy mukha mo anak.

Sa araw ng graduation namin, pumipila na ako at paglingon ko sa kabilang banda, nakita ko si Papa na mukhang nagmamadali.

Kaya tumakbo ako papunta sa kanya at sinundan ako ni Mama.

Ako: Pa, sa kabila po kami. Tara na po.
Papa: Uhm, anak...
Mama: Misha anak, malapit ka nang tawagin. MagC-CR lang Papa mo ha?

Bata: Daddy, daddy, tinatawag na po kami.

Nanahimik nalang ako at unti-unting naiintindihan ang pangyayari.

Hinila ako ni Mama, at nabitawan ko na din ang kamay ni Papa.

---------

Ako: PAPA!!!!!

Agad namang pumasok sa kwarto si Mama.

Ma: Oh, bakit ka sumigaw? Ayos ka lang ba?
Ako: Opo. Binangungot lang ata ako.
Ma: Magboyfriend ka na kasi para naman may mag-aalaga sa'yo, may aalalay at higit sa lahat, may magmamahal sa'yo. Andami mo na ngang ka-edad na nagbo-boyfriend eh.
Ako: Ma, hindi naman pwerket nagsi-boyfriend yung mga ka-edad ko, sasabihin mo na magboyfriend din ako. May mga ka-edad ka namang namatay, pero sinabihan ba kitang mamatay ka na din? 😌

#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon