NOTE 8 - Siya O Siya? (SOS!)

5 0 0
                                    

In a month, nakalimang dates na kami ni Al at hanggang ngayon, nagkakausap din naman kami ni Jace.

Jace: Mukhang na-eenjoy mo talaga yang ka-date mo ah!
Ako: Huh? Pa'no mo naman nalaman?
Jace: Siyempre, pino-post mo picture niyo sa Facebook, public post pa. Pa-kunwari ka pang: "friend" mo lang siya?
Ako: Asus. Nagseselos ka noh?
Jace: Hindi ah. Pinupusuan niyo pa isa't isa niyong post?
Ako: Yiieee. Nagseselos siya oh.
Jace: Hindi nga!
Ako: Ohh, ba't may "!" sa dulo? Galit ka ba, ha?
Jace: Kasi nga, nagseselos ako! -_-!!!
Ako: At ayun na nga. Lumabas na din ang katotohanan.
Jace: Hindi ba pwedeng ako lang, sapat na para sa'yo?
Ako: Jace, nung dumating siya, na-realize ko na naibibigay niya sa'kin ang 'di mo kayang ibigay.
Jace: Anong ibig mong sabihin? Na hindi ka na masaya? Mas nauna naman tayong nagkakilala ah at wala naman siya sa'kin ah! ˋ︿ˊ
Ako: Tumigil ka na nga! Hindi mo siya kilala! Atleast nga siya, nakikita ko eh at hindi mysterious gaya mo!
Jace: Maswerte lang siya, kasi siya yung una mong nakita kesa sa'kin!
Ako: Ikaw nga 'tong ayaw magpakita eh. Hindi ka manlang nag-eeffort at sa chat ka lang naman magaling! Ang torpe mo!!

Lumipas ang isang oras at bigla siyang nagparamdam.

Jace: Una, hindi ako torpe. Pangalawa, sinabi ko naman sa'yo na darating din ako at hihintayin kita.Yun lang, iba ang dumating at hinintay mo, kaya hindi mo na ako nakita. Pangatlo at wala nang halong biro, mahal kita.

At ayun na nga ang huli naming pag-uusap.

Gulong-gulo na 'kooooo!!

Tinawagan ko nalang si Jo at agad naman siyang dumating.

Jo: Soooo.... kamusta naman ang nabiktima ng ghosting?
Ako: Aray... Aaaa-araay!
Jo: Bes, okay ka lang?
Ako: Yung buhok ko!
Jo: Hindi ko naman inaano ah.
Ako: Naaapakan mo eh!

Hinampas ako bigla ni Jo.

Jo: Haynako. Habang maaga pa, pumili ka nalang kasi ng isa.
Ako: Hindi naman ganun kadali yun eh! Kung si Jace ang pipiliin ko, masasaktan naman si Al. Kung si Al naman pipiliin ko, masasaktan naman si Jace. Kaya pwede bang both?
Jo: Ang landi mo! Ewan ko sa'yo. May nasaktan na ngang isa eh. Pero sino nga ba sa tingin mo ang mas mahal mo sa kanila?
Ako: Hindi naman kasi nasusukat ang love. Mahirap itong ipaliwanag, pero madali itong maramdaman. Oo, masasaktan ka, pero parte ito ng pagmamahal. Mahirap sundin ang puso, lalo na kung iba ang sinasabi ng isip. Because love is the most beautiful, yet most complicated thing in the world. And aye, thank you!😘
Jo: *clap clap clap* Ang galing bes. Muntik na akong umiyak, pero sino nga?

Tinignan ko siya.

Ako: Ewan ko.... ewan ko, ewan ko!
Jo: Aray! Ba't mo naman ako sinakta
Ako: Wala dito mga jowa ko kaya ikaw na muna jowa ko.
Jo: Baliw! Pangalan ko lang yun. At anong jowa? Huyy! Wala pang kayo!

Alam kong may mga luha nang bumabagsak sa aking mata.

Ako: Yun na nga yung mas masakit eh. Yung parang kami, pero hindi pala. Tapos dalawa pa sila! 😭
Jo: Sabi ko naman kasi sa'yo eh! Pumili ka nalang ng isa, tas ibigay mo na sa'kin yung isa!
Ako: Akala ko ba, may lovelife ka na?
Jo: Akala mo lang meron, pero wala wala wala! 😭
Ako: Hala? Baliktad?

Nag-iyakan nalang kami ni Jo at biglang nagbukas ang pinto.

Ma: Ako din eh. 😥

Grabe si Mama oh. Naki-chismis pa talaga?

So yun nga, nag-iyakan at nagyakapan nalang kaming tatlo.

#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon