NOTE 7 - Day 7

3 0 0
                                    

Medyo napapalapit na kami sa isa't isa ni Jace, at patuloy pa din ang pakikipagdate ko sa mga mukhang ewan na lalaki.

Sa 2nd date, si Elvis Presto ang date ko. Matangkad, songwriter, pero mukhang matanda para sa'kin.

Sa 3rd date, si Mike naman na isang mime. Hindi talaga siya nakakapagsalita kaya hindi kami nagkakaintindihan.

Sa 4th date, si Carl Bo naman. Naisip ko... pa'no nanaman 'to? Misha Bo? At tiyaka mukha din siyang adik, kaya no thank you, Mama.

Sa 5th date, si Christopher Rogers naman. Ang sosyal ng pangalan noh? Tiyaka atleast ngayon, maganda-ganda na ang pangalan. Isa siyang businessman at ang ibig ko din sabihin, napaka-busy niyang tao. Habang nagd-date kami, may kausap pa siya sa phone niyang lafong nagri-ring.

Kahapon, pina-cancel ko muna kay Mama, kasi medyo sumasakit yung ulo ko.

Ngayon ang last date. For the past dates, obvious naman na wala pa akong nakikitang "right" guy para sa'kin eh. Kaya 80% na palpak nanaman 'to at yung 20%, kay Jace na muna yun. Okay naman pala siyang kausap eh, loko-loko lang talaga.

*preview*

Ako: Antagal mo namang magreply!
Jace: Yiiee. Namiss mo nanaman ako?
Ako: Luhh. Hindi ah. Bored lang ako.
Jace: Ganyan ka naman eh. Ginagawa mo akong pampalipas oras.
Ako: Ang drama mo! Oo na. Namiss na kita, friend.
Jace: Awts. Friendzoned agad? 'Di pa naman ako nagtatapat sa'yo ah.
Ako: Hayst. Baka aasa ka lang kasi.
Jace: Yun na nga eh. May pag-asa ba ako?

'Di na ako nagreply, kasi ako din, ayokong umasa at ayoko din masaktan.

After 5 mins., nagreply na ulit siya.

Jace: Pst. May sasabihin ulit ako sa'yo.

E'to nanaman siya eh. Nakakakaba yung mga ganitong eksena. Hindi ba pwedeng ideretso niya nalang after nung sentence?

Jace: Nagugustuhan na kasi kita eh.
Ako: Hala?
Jace: Pero siyempre, joke lang ulit yun!

Ganun na nga kaloko si Jace. Pero kahit ganun yun, siya lang nakakapagpasaya sa'kin.

----

Pagtingin ko sa door, nakita ko ang isang lalaking naka-suit & tie. Presentableng-presentable siya. Plus, ang gwapo niyaaa! ●0●

Siya: Misha?
Ako: Uhh-huh?
Siya: You look beautiful.

Shocks. English!

Ako: Salamat. Mas beautiful ka pa nga kesa sa'kin eh.

Tumawa nalang siya nang mahina.

Siya: By the way, I'm Al... Al Right.
Ako: Ikaw na ba.... si Mr. Right?
Siya: Ako na nga. ;)

Nag-usap lang kami nang matagal. Masaya talaga siyang kausap. Mga 5 taon na pala siya dito sa Pinas.

May beki na mukhang nagtatrabaho na lumapit sa'min na may nametag na "Athena." Aba! Pang-dyosa ang pangalan!

Beki: Excuse me po.... Magsasara na po kami.
Ako: Ahh. Okay. Tara na ba Al?

Beki: Ma'am, you may leave. And sir... you may stay.

Landeeeeee!!!! Kinindatan ba naman niya yung ka-date ko!!

Ako: Tara na nga Al.

Mukhang naramdaman ni Al yung pagkainis ko kaya tumayo na siya at lumapit.

Bigla naman siyang hinila nung bakla.

Beki: Uhm sir, yung bayad niyo po.

Talaga naman 'to!!

Al: Uhh... yeah. Sorry, nakalimutan ko pala.

Nang iaabot sana ni Al yung pera sa bakla, kinuha ko ito at naisipan kong ako nalang mismo ang mag-aabot sa baklitang ito.

Ako: Oh, e'to na. Keep the change, kawawa ka naman.

Tinignan niya ako ng masama.

Ako: Aba! Ayaw mo ata eh!
Beki: M-ma'am, hindi po. Akin na--
Ako: Ayy hinde. Ayaw mo eh.
Beki: Sorry po, ma'am.
Ako: Next time, trabaho muna bago sa gwapo. Date ko yun eh!
Beki: Sorry po talaga.
Ako: At pwede bang palitan mo yung nametag mo?
Beki: Ha? bakit po?
Ako: Palitan mo ng Hephaestus. Mas bagay sa'yo.

Umalis na kami sa restaurant at pinagtawanan nalang namin yun ni Al.

Yun na ata ang pinaka-nakakalokang date ko! Juskoo!

#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon