NOTE 9 - Lies & Doubts

6 0 0
                                    

Tinignan ko ulit yung maliit na card na nahulog ni Al...

Andito yung pangalan niya, yung pogi niyang mukha, yung address niya...

Yung address niya!! Ba't 'di ko 'to napansin?

Siguro dahil ang gwapo gwapo niya kasi dito sa picture!

Tamang-tama! Ngayong nakapagdesisyon na 'ko, sana tama 'tong gagawin ko.

*Al's Apartment*

Ni-ring ko yung doorbell, pero walang sumagot, kaya rining ko nang maraming beses. Pagtingin ko sa kabila, nakatingin yung mga tao sa'kin, kaya triny ko nalang yung door knob.

Nakabukas naman pala eh!

Pumasok ako sa loob at ponagmasdan ang apartment ni Al. Ambongga! Mukhang kasya ang 1 pamilya dito ah.

Pumunta naman ako sa isang room at namangha ako sa nakita ko.

Ako: ●△●  Grabe grabe!! May walk-in closet siya?!

Una kong binuksan ang mas malawak na closet.

WOW! May koleksiyon siya ng sapatos?!

Sunod kong binuksan ang isa pang wardrobe closet niya at nakita ang mga costumes na naka-hanger tig-iisa kasama ang mga masks, accessories and everything.

Teka.... E'to yung suot ni Amboy Tong ah!

Oh, e'to naman, Elvis Presto? Mike the Mime? Carl Bo? Christopher Rogers?

Ano 'to????

Sa kabilang sulok naman, naka-display ang mga certificates niya.

At ano nanaman 'to??? Pa'nong may certificate siya sa school namin? Tas iba pangalan niya?

"Teka, Misha. Magpapaliwanag ako."

Pagtingin ko sa kanya, nakabihis siya na parang isang nerd. Hati ang buhok sa gitna, may glasses at naka-casual na damit.

Ako: Pamilyar ka naman siguro sa gan'tong eksena, noh? Teka, take two!   🎬
Ako: Bitawan mo 'ko, bitawan mo 'ko!
Al: Hindi naman kita hinahawakan eh.
Ako: E'di hawakan mo 'ko, tas gawin natin ulit.

Teka.... parang ampangit pakinggan nun ah.

Al: Look, Misha. Magpapaliwanag nga ako...
Ako: Hindi mo naman kailangan eh, kasi alam ko nang niloloko mo 'ko!
Al: Hindi naman ganun yun!
Ako: At kaya naman pala pamilyar ka sa'kin eh! Ikaw yung masungit na valedictorian sa school. Manloloko!
Al: Sabi naman sa paper mo, ganun yung mga tipo mong lalaki, kaya sinubukan ko isa-isa kung san dyan ang gugustuhin mo.
Ako: Pero hindi mo namang kailangang palitan pagkatao mo. Kung nagpakatotoo ka lang, ayos naman sa'kin. Yung sa'tin, lokohan lang din ba yun?
Al: Nung una, oo. Kasi hindi naman kasi ako seryosong tao, mula pagkabata at alam mo yun. Hindi ko din naman alam na seseryosohin mo si Al Right. Pero nung mas nakilala kita, naisip kong pwede pa pala akong magbago. 'Di ako sigurado sa nararamdaman ko sa'yo, pero basta ang alam ko, may nararamdaman na ako sa'yo.

Ayoko na. Ayoko nang marinig pa ang paliwanag niya. Kasi dapat nung una pa niya sinabi sa'kin yun.

Paalis na sana ako, nang bigla niya akong binack hug.

Siya: Misha, ayusin naman natin 'to oh.
Ako: Tama na, Kai. Bitaw na... Alam mo, sigurado na ako sa nararamdaman ko sa'yo eh. Nagkamali pala ako. You made me let go off someone just to hold on to you.

Ako: And you know what? You can't be my Mr. Right if everything's not right.

Kumalas na ako sa yakap niya at tumakbo palabas, habang bumabagsak ang mga luha ko.

Akala ko, siya na. Akala ko, magiging okay na lahat. Siya na sana ang pipiliin kong tama, pero mali pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon