NOTE 6 - 1st Date

3 0 0
                                    

So ayun na nga... Pinagkakaisahan ako ng mga taong kilala ko para kilalanin ang mga taong 'di ko kilala.

Anu daw?

*notification sound*

Jace: Tagal mo na magreply ah.
Ako: Ahh. Sorry, may date ako eh.
Jace: 'Di nga. HAHAHAHA.
Ako: Wow. All caps? Totoo nga. Sinet-up ako ni Mama.

"Ehemmm...."

Pagtingin ko sa harap, may isang lalaki na mukhang hypebeast ng 90s.

Ako: Pfff...

Malapit ko nang maibuga yung iniinom ko sa kanya.

Jusko. May gumagamit pa ba niyan? Ang jejemon naman ni Mama na pumili.

"Hi. Ako nga pala si Amboy.... Amboy Tong."

Inabot niya yung kamay niya at nakita ko yung maraming bracelet at singsing sa kanyang kamay.

Sabi na nga ba, jejemon 'to eh.

Ako: Ahh.... Misha Lim...

Teka... So pa'no kung magiging kami? E'di Misha Tong na yung magiging pangalan ko? 😆

Lalo akong natatawa kaya naisipan kong umalis na kasi 'di ko na talaga 'to kaya.

Ako: Aray... Ewch ewch....

Tumayo siya at inalalayan ako.

Amboy: Yo, okay ka lang?

Ako: Yung puson ko, ewch.... Tingin ko, kailangan ko nang umuwi. Meron pala ako ngayon, uminom pa 'ko ng malamig
Amboy: Hatid na kita?
Ako: Ayy. Hindi na. Pakibayaran mo nalang yung inorder ko ha? Sige, alis na 'ko.

Medyo binawasan ko nalang yung paglalakad at pumara ng taxi.

Pag-uwi ko sa bahay, agad kong hinanap si Mama.

Ako: Ma? Ba't naman ganun yung pinili mo? Perst date ko yun eh!
Ma: Akala ko, gusto mo ng trendy at mapormang lalaki?
Ako: Pero nung kapanahunan niyo naman yun eh! Ang ayos ayos pa naman ng suot ko ngayon.
Ma: Pasensiya ka na. Malay ko ba sa kanila.
Ako: Kanila? Sino?
Ma: Ehh. Binigay ko yung pangalan mo sa restaurant para ihanapan ka ng date mo. Nagbigay din ako ng mga deskripsyon ng mga lalaking tingin ko'y babagay sa'yo. Basta, ituloy mo nalang hanggang Day 7, ha?
Ako: Bakit pa?
Ma: Pagkatapos nito, hindi na 'ko makikialam sa lovelife mo.

Pumunta nalang ako sa kwarto at humiga.

*notif. sound*

Jace: Oh ka pimusta naman 1st date mo?
Ako: Haynako, mabuti pa 'wag na muna nating pag-usapan yun.
Jace: Sige na nga. May sasabihin ako sa'yo.
Ako: Ano yun?
Jace: Ikaw ang ikatlong babaeng pinakamahalaga sa'kin.

Gawain na niya 'to. Lagi siyang nagpapakilig pero alam kong nangj-joke time lang siya, kaya binibiro ko din pabalik.

Dati, oo, medyo masungit ako, pero nasanay na din siguro ako sa gan'tong convo. namin.

Ako: Luhh? Bakit hindi #1? Siguro may syota ka na, noh? Pinagsabay-sabay mo kami? Tapos ano? Ako na yung Baby #3 mo?

  Nubayaaan.  Antagal talagang magreply.... ˋ︿ˊ

Jace: Uhm, sorry ahh.... 😔
Ako: <(`^´)> So ano? Laro lang ba 'to o joke? Kasi kung oo, kaya ko pa namang makipagsabayan, pero 'wag mo sanang isipin na kung masisira 'tong kung ano mang meron sa'tin, maisasalba pa natin 'to.
Jace: Teka, teka..... Ano ba talaga tayo?  😶

Actually, hindi ko din alam...  At this point, e'to na ba yung "defining the relationship" na sinasabi nila?

Ako: Ewan ko. Ehh ako, ano ba ako sa'yo?  (・へ・)
Jace: Hindi ba't kasasabi ko nga lang sa'yo na ikaw yung ikatlong babaeng pinakamahalaga sa'kin?
Ako: Ohh ayan ka nanaman... -_-///
Jace: Kasi siyempre, si Mama Mary yung una, kasi siya yung nag-iisang da best na mabuting nanay ni Jesus diba? Pangalawa, si Nanay, kasi kung wala siya, malamang wala ako ngayon na nagpapakilig sa'yo. Yiieee. At siyempre yung 3rd spot, sa'yo na yun at wala nang iba pa. ●﹏●

Aaminin kong kinilig din ako dun, pero sabi ko nga, 'wag tayong pa easy-to-get!

" ♥ "

HAAA??  Hindi ko naman sinasadyang pindutin yung "<3" button ah!!!

Ako: Oo nalang. Sige na, matutulog na muna ako ah? 
Jace: Yiiieeee. Kinilig ka dun noh?   😄

Inoff ko nalang yung WiFi connection at natulog nang maayos.

Haaaayyy... Natatawa't nalulungkot pa din ako sa nangyayari sa'kin ngayon.

#RelasyongWalangLabel (A Medyo Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon