Chapter 02

44 1 0
                                    

Chapter 02...

LUNCH BREAK...

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang babaeng to na tahimik lang na nagliligpit ng gamit sa harapan ko. Ni hindi ko man lang nga namalayan na tapos na pala ang klase. Wala namang masyadong ginawa kundi magpakilala at magsulat ng pangalan sa isang buong papel at ipasa sa teachers na hindi pa nakukuha ang lahat ng pangalan sa advicer namin. Kamalas-malasang Kaklase ko pa to at sa mismong harap ko pa naupo. Actually maganda naman sya. Medyo Kilos lalaki lang. Deretso ang Mahaba nyang pulang buhok na nakatali ang Kalahati at nakalugay naman sa baba. Simpleng tingnan sa uniform na suot nya. Ang itsura kasi ng uniform ay long-sleeve na puti na may ribbon na kulay pula sa kwelyo nito at maikling palda na kulay pula din. Hanggang tuhod naman ang kulay puting medyas nito at flat black shoes. Ang muka nya ay mala-anghel at maputi na bumagay sa kulay pula nitong buhok, medyo singkit ang mata, maliit ang ilong pero matangos, maliit ang pinkish na labi nitong deretso lang, bilog ang mukha kaya cute syang tingnan. Medyo matangkad din, siguro ay hanggang dibdib ko sya. 6 feet kasi ako, 5-4 yata sya?

"What's your problem?!" Nagitla ako sa inis nyang pag-sigaw na yon. Nakakunot ang noo nya at inis na nakatingin sakin.

"A-ah Ano... Wala. Wala. Sige, see you." Nagmamadali Kong isinukbit ang bag ko at mabilis na lumabas ng classroom.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makababa ako sa building namin. Dumiretso na ko sa canteen at humanap ng pwesto. Naramdaman ko naman ang pagba-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot.

"Oh ash?" Sagot ko.

"Where are you? Nandito kami sa canteen."

"I'm here. Nasan kayo?" Tanong ko habang lumilinga sa paligid.

"Here." Nakita ko naman si Ash na kumaway sakin. Nasa bandang dulo sila na malapit sa glass wall. I ended the call. Agad naman akong pumunta sa kanila.

"Dre!!!" Sigaw agad ni Radleigh ng makalapit ako.

"Hahaha akala ko hindi ko na kayo makikita." Biro ko sa kanila matapos umupo.

"Gago. Isang canteen lang ang college at high school, man!" Sigaw ni Kross. Hilig nya talaga akong tawagin ng 'Man'.

"Ganon ba yon? Buti naman, wala akong kaibigan dito eh hahaha" sagot ko.

"Order muna tayo." Singit ni Zexter. Nauna syang tumayo at pumila.

"Anong nangyari don?" Bulong ko Kay Rad. Pumila na rin kami.

"Naisahan daw sya ng chic nya." Bulong din nya. Nangunot agad ang noo ko.

"Paanong naisahan?"

"Ewan ko ba don. Mainit agad ang ulo ng makita namin."

"Ano bang sabi?"

"May babae daw syang nakasalubong kanina pagpasok. E nilapitan daw nya. Nabastusan daw sakanya, kaya ayon. Tinamaan ang ibon nya bwahahahahaha!"

"Gago. Maraming nakatingin sayo hahaha!" Mahinang sabi ko. Natigilan naman sya sa pagtawa at Napatingin sa paligid. Nag-peace sign ang gago at nagpacute sa mga babaeng nakatingin sakanya.

"Kyaaaaaah! Nginitian nya ko!"

"Oh my gooooood!"

The SeducerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon