Chapter 05...
"Kai! Pahiram!" Biglang sigaw ni Rine. Kinuha nya agad ang ballpen na kinakagat ko. Naiwan akong naka-nganga sa ginawa nya. Hapon na. Parang hindi manlang sya Nailang sa ginawa nya kanina. Parang wala lang.
"Pahiram muna, ah? Naubusan ako ng ink eh." Dugtong nya ng lumingon ulit sya sakin. Tumango nalang ako. Hindi sya ngumingiti. Basta maaliwalas lang ang mukha nya. Parang payapa lang lagi.
Nagsulat na ulit sya. Hindi ko sya maintindihan. Kahapon, cold at wala syang pakialam. Ngayon naman namamansin na. Wala akong naiintindihan sa tinuturo ng teacher namin dahil nakatuon ang atensyon ko Kay Rine na nagsusulat.
Hmm. Magtatanong ako Kay Ash mamaya.
"Are we clear?" Napatingin ako sa masungit naming teacher sa English. Tapos na yata ang discussion.
"Yes ma'am!" Sagot nila. Ako lang hindi.
"Okay. Class dismissed!" Sabi nya at umalis na. Lumabas na rin ang mga kaklase ko. Hinintay ko silang mawala hanggang kami nalang ni Rine ang naiwan. May kinokopya sya sa libro. Di ko alam kung Ano yon.
"Ah... Rine, sayo na yan. Aalis na kasi ako eh." Paalam ko sa kanya. Nag-angat naman sya ng tingin sakin.
"Hmm. Thanks. Papalitan ko nalang buk--"
"No need. Okay lang. Marami naman akong stock na signpen sa bahay. Sayo na." Agad na putol ko sakanya ng nakangiti. Tumango lang sya. Hindi sya ngumiti.
"Sige. Salamat. Ingat ka." Sabi nya.
Nginitian ko nalang at nag-wave tsaka tumalikod para maglakad. Hindi ba talaga sya ngumingiti? Parang isang beses ko pa lang yata sya nakikitang ngumiti eh. Di bale na.
Nang makalabas ay agad Kong di-nial ang number ni Ash habang naglalakad papunta sa parking lot. Uwian na kasi.
"Oh! Napatawag ka?" Sagot nya ng tatlong ring palang.
"May itatanong lang. Bar tayo ngayon."
"Sige. Sabihin ko nalang sa kanila."
"Sige. See you later." Binaba ko na pagkatapos. Agad akong tumakbo papunta sa kotse ko at pumasok. Nilagay ko sa front seat yung bag ko at ini-start na ang makina.
Nang nasa kalagitnaan na ko ng pagda-drive. Tsk! Kainis na-traffic pa! Atat na atat na akong magtanong Kay Ash! Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inip.
Nang lumuwag ay mabilis Kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bar.
Tinanggal ko ang longsleeve polo ko at nagsuot ng V-neck black T-shirt. Tumakbo agad ako papasok sa loob. Sinalubong na naman ako ng maingay na tugtog at mga nakakahilong tao. Ilang sa mga kaklase ko ay nandito.
"Ouch!" Daing ng nabunggo ko.
"S-sorry." Nagulat ako ng makilala kung sino sya. Si Rine.
"Okay lang. Sige. Bye." Nawala sya sa paningin ko Nang nagmadali syang umalis. Dumiretso nalang ako sa table kung nasan lagi ang mga kaibigan ko. Naabutan ko silang nagtatawanan. Lagi naman.
"Oh! Andito na pala si Kai eh!" Sigaw ni Ash ng makita ko. Umupo ako sa tabi nya.
"Bakit ba pinapunta mo kami dito? Is there a problem?" Tanong ni Zex. Umiling lang ako.
"O baka... Tinablan ka na rin?" Dugtong ni Rad. Tinawanan ko nalang. Ang Totoo ay tinablan na nga ako.
"May gusto lang akong malaman." Sagot ko. Naging seryoso naman sila. Nakatingin silang lahat sakin.
"Ano namang gusto mong malaman?" Tanong ni Kross. Umiinom ng beer.
"Is it about Rine?" Tanong ni Rad. Kanina pa to. Alam na nya talaga.
"Yes. I want to know ALL about her." Tumango sila. Unang nagsalita ay si Ash. Marami talaga syang alam pag tungkol Kay Rine.
"Hmm. She's from Japan but her parents are half Japanese, half pilipino. 18 years old. I don't know kung bakit hanggang ngayon ay fourth year highschool pa rin sya. Diba dapat ay second year college na sya sa edad nya?" Aniya. Napaisip ako. 18 na sya. Bakit nga ba? 19 na ko. May dahilan naman ako kung bakit highschool pa rin ako. Hindi ako nakapag-aral ng two years dahil sa pagkawala ng ex-girlfriend ko. Tapos nag-stop ako ng one year dahil may leukemia ang kapatid ko. Kaya dapat third year college na ko ngayon. Ano naman ang dahilan nya?
"Hindi kaya... Nabuntis sya?" Tanong ni Rad. Binatukan naman sya ni Zex.
"Puro ka talaga kagaguhan. Buntis? Sira ulo ka ba? Ni wala ngang boyfriend yung tao eh!" Sigaw ni Zex.
"Baka lang naman... Tamaan kita dyan eh." Si Rad.
"Teka. Kelan ba sya nag-aral dito?" Tanong ko. Napaisip sila.
"Siguro nung wala ka. Kasi diba, yung Iba ay hindi ka na kilala. Well, may ilan pang kilala ka pero nasa kalahati nalang kasi napunta Kay Rine lahat ng atensyon nung dumating sya. Kaya siguro hindi mo sya kilala." Sagot ni Kross.
Napapansin ko nga yon. May ibang hindi ako kilala. Doon din naman kasi ako nag-aral last year.
"Eh yung mga kaibigan nya?" Tanong ko.
"Sabay-sabay silang dumating eh. Isang grupo na sila nung pasukan pa lang." Sagot ni Ash.
"Bakit hindi ko sila nakikita sa building namin?"
"Yung Iba kasi, nasa college na. Yung dalawa, nasa highschool pa." Si Rad.
"Nasan yung pamilya ni Rine? May kapatid ba sya?"
"Dito lang din nakatira yung family nya. May kapatid syang tatlong babae. Pangalawa sya sa bunso. Yung panganay, nagta-trabaho na. Yung pangalawa naman, nag-aaral pa, Fourth year college na yon. Yung bunso din, nasa second year highschool." Si Ash. Napatango ako. Bakit pa sya nagco-condo? Malapit lang pala yung bahay nila dito?
"Bakit naman parang sikat sila?" Tanong ko.
"Ah. Kasi sikat na talaga sila, Simula pa lang. Heaven group sila. Kumakanta at sumasayaw. Magagaling talaga sila pagdating sa Ganon." Si Zex.
"Tomboy ba si Rine?"
"Hmm. Hindi ko masasabi. Bisexual sya eh. Pumapatol sa lalaki pati sa babae. Pero virgin pa daw yon." Si Rad. Binatukan ulit sya ni Zex.
"Pati ba naman yon! Gago ka talaga!" Si Zex.
"Nakaka-dalawa ka na ah!" Sigaw ni Rad habang nakahawak sa batok. Tinawanan nalang namin sya.
"Eh... Ang tanong dyan.... Bakit mukhang interesado ka na sakanya?" Tanong ni Kross. Napahinto sila sa tawanan at tiningnan ako. Nag-iwas ako ng tingin. Interesado na ko sa kanya, Simula pa lang.
"Nagtataka lang ako." Pagpapalusot ko. "Bakit nga pala campus seducer ang tawag sa kanya?" Pagbabalik ko sa topic.
"Kasi lahat ng nagtangkang bully-hin sya, napapa-amo nya. Parang naaakit sa kanya, ganon. Pero wala ni isang naka-pantay sa lamig ng treatment nya. Lahat napapa-iwas nalang at sinusunod sya." Sagot ni Kross.
BINABASA MO ANG
The Seducer
RomanceIsang babaeng walang pakundangang magsalita ng bastos sa kahit na sino'ng makaharap nya. Babaeng magaling mang-akit pero hindi mo aakalaing 'BIRHEN'. Lahat ng Lalaking gumugulo o gustong saktan sya ay automatic na naa-akit sakanya... kahit wala nama...