Chapter 04...
Maaga akong nagising kinabukasan. Ginising ko agad si Eich na mahimbing na natutulog.
"Babe... Wake up. I have class." Gising ko sakanya.
"Hmm..." Ungot nya. Tumayo agad ako at pumunta sa bathroom. Second day pa lang ako ngayon sa school. Ayokong ma-late. Kaklase ko pa naman si--Ugh! Binilisan ko nalang ang paliligo.
Pagkatapos Kong maligo ay dumiretso ako sa kusina. Nagluto ako ng ham, egg, hotdog and fried rice. Humihikab pa ko habang nagluluto. Napuyat ako kagabi. Inilapag ko lahat sa mesa ang mga niluto ko at naghanda ng dalawang Plato para sa'ming dalawa. Nakita Kong umupo sya sa upuan sa harap ko at tumitig sakin. Hindi ko iyon pinansin at pinaglagay sya ng kanin sa Plato. Tumingin ako sakanya at nakita Kong nakatitig pa rin sya.
"Why?" Tanong ko sakanya ng hindi pa rin sya natitinag. Umiling sya at kumuha ng hatdog.
"Na-virginized mo 'ko." Aniya habang ngumunguya. Sumubo ako bago nagsalita.
"Ano'ng big deal don?" Tanong ko. Napatingin sya sakin sa sinabi ko.
"Anong 'anong big deal don'?" Inis na tanong nya.
"Hindi naman na bago sakin yon. Sayo lang big deal, hindi sakin." Sagot ko. Tumigil sya sa pagkain.
"Anong ibig mong sabihin?!" Medyo tumaas na ang Boses nya kaya medyo napaatras pa ko.
"Easy, Eich. Nasa harap tayo ng pagkain. Mamaya nalang natin pag-usapan yan." Mahinahong sabi ko. Kumalma naman sya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na ako nagsalita matapos non.
"Hey, babe. What's your problem?" Tanong ko ng hindi nya ko pinansin pagkatapos naming kumain. Dumiretso sya sa kwarto at kinukuha ang mga gamit nya. Umupo ako sa kama at humarap sa kanya. Hindi nya pa rin ako kinakausap. Ni hindi nya ko tinitingnan.
"Babe... Talk to me." Malambing na sabi ko sakanya. Hinawakan ko ang kamay nya kaya natigil sya sa ginagawa. Hindi sya tumingin sakin.
"Babe, Ano bang problema? Tell me." Tanong ko. Huminga sya ng malalim bago nagsalita.
"Kai, ikaw ang una ko. Hindi ako sure kung seryoso ka talaga sakin. Natatakot ako, Kai. Ayokong iwan mo ako. Hindi ko kaya." Aniya na parang maiiyak na. Tumayo ako at niyakap sya.
"Nagsisisi ka ba?" Tanong ko. Umiling sya. "Alam mo naman diba? Umpisa pa lang sinabi ko na sayo. Umpisa pa lang alam mo na kung Ano ako." Mahinahong sabi ko. Namuo ang luha nya. Umiling sya at tinakpan ang mukha. Niyakap ko sya para huminahon. Ilang sandali ay nanginig ang balikat nya. Umiiyak na sya. "Shh... I'm sorry, Eich. Akala ko naiintindihan mo."
"K-kai, akala ko kasi... Mababago kita.. H-hindi pala..." Humagulgol sya sa pag iyak. Hinagod ko ang likod nya para patahanin. Shit! Male-late na ko! Natigil lang sya sa pag-iyak ng tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya iyon at sinagot.
"H-hello?... Oh!... Okay... I'm coming... Bye." Binalingan nya ko at agad kinuha ang bag nya. "Tumawag si mommy. May shoot ako ngayon. I'm sorry. I need to go. Bye. I love you." Paalam nya. Hinalikan nya ko bago nagmamadaling umalis. Hindi manlang ako pinag-salita. Kinuha ko na din ang bag ko sa school at umalis.
Pinatunog ko ang kotse ko at nagmadaling sumakay. Shit! Male-late na talaga ko. Binilisan ko ang pagmamaneho. Nandoon na kaya si Rine? Ano'ng treatment ang ipapakita ko sa kanya mamaya? Papansinin ko ba sya? Isnob-in ko nalang kaya tulad ng kahapon? Ugh! Bahala na.
Nakarating ako sa school at nagmamadaling umakyat sa floor ng room namin. Muntik pa Kong matalisod sa hagdan sa pagmamadali ko. Wala ng tao sa hallway. Shit! May narinig pa akong tilian ng dumaan ako sa room nila. Hindi ko nalang pinansin at hinihingal na huminto sa harap ng pinto ng room namin. Kumatok ako. Pinag-buksan ako ng masungit naming advicer. Si Mrs. Dela Vega. Masama ang titig nito sakin. Pakiramdam ko kakainin ako ng buhay nito eh!
BINABASA MO ANG
The Seducer
RomanceIsang babaeng walang pakundangang magsalita ng bastos sa kahit na sino'ng makaharap nya. Babaeng magaling mang-akit pero hindi mo aakalaing 'BIRHEN'. Lahat ng Lalaking gumugulo o gustong saktan sya ay automatic na naa-akit sakanya... kahit wala nama...