Prologue

49 2 0
                                    

Prologue...

Maluha-luha akong tumingin sakanya. Nakakahiya man pero, oo. Ako pa ang umiiyak ngayon sa harap ng babaeng mahal ko.

"I t-thought you l-love me?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tiningnan lang nya ko. Walang kahit anong mababakas na emosyon sa muka nya. Masakit ang nararamdaman ko sa tuwing ganyan ang tingin nya sakin.

"Yes, but... I lied" malamig na sabi nya. Doon na tumulo ang sunod-sunod luha ko.

'Why? Anong nangyayari sayo?'

"Zephyrine.. Please, d-don't do t-this.. You're just kidding r-right? Y-you're just j-joking me.." Gumagaralgal ang boses na sabi ko pa. Lumapit ako sakanya para sana hawakan ang kamay nya pero lumayo sya.

'No.. T-this can't be.."

"Go home. It's already late.." Seryosong usal nya. Umiling ako at lumuhod sa harap nya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga Mata nya pero hindi ko pinansin yon.

"Please... Please... Zeph, please forgive me.. Don't do t-this to me... Please, ayokong mawala ka.. Ayoko.. Hindi ako papayag na iwan mo ko.. Please.." Pagmamakaawa ko sakanya habang sunod-sunod ang agos ng luha ko.

"Umuwi ka na. Ayoko ng makita ang pagmumuka mo, Kai.. Hindi kita kailangan.. Umalis ka na at wag ka ng magpapakita sakin.."

"Zeph! Please! Wag mo Kong iwan! Zeph! Wag mo namang gawin s-sakin to oh!" Umiiyak na habol ko sakanya at hinawakan sa kamay habang nakaluhod pa rin.

"H-hindi ko kaya.. P-please.. Z-zeph.. Hindi k-ko kaya.." Humihikbing usal ko pa. Pabagsak nyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya at galit na tiningnan ako.

"Umalis ka na! Kulang pa ba ang ginawa mo sakin ha?! Kulang pa ba?! Kai! Please lang umalis ka na... Please??" Umiling ako.

"Wag n-naman ganito oh.. Please?? W-wag mo k-kong iwan.. H-hindi ko kaya.. Zeph... M-mahal na m-mahal kita... A-ayokong mawala ka s-sakin... Zeph... P-please g-give me a s-second c-chance.. G-gagawin k-ko, b-bumalik k-ka lang s-sakin... Ze-zeph please???" Humahagulgol na pagmamakaawa ko sakanya. Pinilit Kong pigilan ang luha ko pero kusang tumutulo. Parang dinudurog ang puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ansakit-sakit!

"Umalis ka na. Wala kang mapapala sakin. Ayoko na. TAPOS NA TAYO!" Tinalikuran nya ako at pumasok sa bahay nila. Walang humpay naman sa pagtulo ang luha ko at nakatulalang nakatitig sa pinanggalingan nya. Noon ko lang naramdaman na nakaluhod pala ako. Bagsak ang balikat na naglakad ang mga Paa ko papunta sa kotse ko. Parang wala sa sariling naka-sakay at nakapagdrive ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung sino pa ang pwede Kong puntahan at balingan ng sama ng loob.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ultimong paghikbi ay hindi ko mapigilan.

"Ah-haaah..." Humihikbing buntong-hinanga ko. Naramdaman ko nalang na pumunta ako sa condo unit ko at wala sa sariling nakahiga na pala ako. Tulala. Patuloy ang pagtulo ng luha. Walang kahit anong pumapasok sa isip ko. Blangko ang lahat. At tanging ang pagtulo lang ng luha ang nararamdaman ko. Wala na Kong maramdamang iba pa..

The SeducerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon