CHAPTER 7

134 10 2
                                    

          Parang sinaksak ng ilang beses sa dibdib si Diana dahil sa kaniyang nasaksihan. Pakiramdam niya'y para siyang pinagtaksilan at tinaguan.

Kitang kita niya kung paano hinalikan ni Carlos si Abigail mula sa dika layuan. Labis siyang nasaktan dahil ang lalaking hinangaan niya ng matagal ay may iba na palang gusto.

Hindi na niya napigilan ang kaniyang mga luha. Nag uunahan ito sa pagdaus-dos patungo sa kaniyang pisngi.

Ang unfair ng mundo. 'Yung taong gusto natin, may gusto ring iba. Saklap ng buhay.

Pinahid niya muna ang kaniyang mga luha tsaka pinaandar na niya ang sasakyan papaalis sa bar. Hindi na niya maatim na makita ang dalawa na magkasama at naghahalikan.

Alalang alala pa naman ako sa kanya pero ganito lang pala ang maaabutan ko, sana pala hindi nalang ako nag alala para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon.

***

Madaling madali si Janine sa kaniyang paglalakad patungo sa kaniyang next subject. Marami siyang bitbitin dahil sa kakatapos lang na activity ng ika-unang asignatura na kaniyang pinasukan kanina.

"Hayst. Ang dami naman." Napapakamot sa ulong saad niya.

Hindi siya nakatingin sa kaniyang dinaraanan kaya naman hindi sinasadyang mabangga niya ang isang kilalang guro sa kanilang Unibersidad.

Hindi sinasadyang nagbagsakan lahat ang kaniyang mga dala-dala. "Nako Ma'am, sorry po. Sorry po." Paghingi niya ng paumanhin at agad na pinagkukuha ang mga nalaglag na gamit.

"Kasalanan ko rin naman, Hija. Pasensiya kana, nagmamadali rin kasi ako." Tugon nito at sinimulan siyang tulungan sa pagpupulot ng mga gamit.

Nang matapos sila Janine sa pagpupulot ay muli siyang nagpaumanhin sa nabanggang guro. "Sorry po ulit, Ma'am."

Yumuko siya at napatingin sa mukha nito. Bahagya siyang napangiti, "May dumi ba ako sa mukha, Hija?" Tanong ng guro.

"Ah... wala po, wala po. Naalala ko lang po kasi sa inyo 'yung Mama ko. Magkahawig po kasi kayo."

"Ah, baka coincidence lang." napahawak ang guro sa kaniyang tumitibok na puso, "Parang ang gaan ng loob ko sa iyo, Hija. Magkakilala ba tayo dati?"

Napailing si Janine, "Wala po akong natatandaan basta po magkahawig po kayo ng namatay kong Mama."

"Ay nako, Hija! Sige sige, kinikilabutan ako sa sinabi mo. Paano? Mauuna na ako." Paalam ng guro. Nginitian niya ito at kinawayan.

Napahawak rin siya sa kaniyang dibdib, "Oo nga noh? Parang ang gaan rin ng pakiramdam ko sa kaniya. Di kaya siya si Mama? Pero imposible, patay na si Mama bata palang ako."

Patuloy na siyang naglakad patungo sa kaniyang next subject.

***

          Nag iisang muli si Diana sa library. Hindi niya maiwasang isipin ang kaniyang mga nasaksihan kagabi. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. Pakiramdam niya'y unti unting nagsisipagkalasan ang bawat parte ng kaniyang puso.

Napayuko siya at ilang beses na napasinghap. Dapat hindi ako ganito e. Hindi dapat! Ang sakit, ang sakit sobra. Ganito talaga siguro kapag unrequited love, lihim kang nagmamahal, lihim ka ring nasasaktan.

Nahagip ng kaniyang mga mata ang papasok na Carlos dito rin sa library. Ibang iba ang dating nito kumpara sa mga nakaraang araw.

Ngayon ay hindi ito nakajacket. Nakatali parin ang kaniyang buhok ngunit masigla ang kaniyang mukha.

Ganyan siguro kapag totaly inlove noh? Napapangiti ka na parang siraulo. Binabago ang mood mo sa buong araw. Sana ganyan din ako noh? Sana hindi nalang ako nagkagusto sayo.

Sinundan niya ito ng tingin kahit pa nasasaktan na siya. Siguro kailangan kong magpakasaya kasi masaya rin siya. Sana ganun lang kadali ngumiti.

Napangiti siya nang mapait. Tinigil na niya ang pagsulyap sa binata at itinuon muli ang atensyon sa pag-aaral.

***

Inis na inis si Kurt sa tuwing maaalala niya ang mga pangyayari kagabi. Halos sambunutan na niya ang kaniyang sarili para lamang mawala sa kaniyang utak ang mga nakakairitang naganap.

"Anong nangyari Kurt? Kanina kapa mukhang baliw dyan!" Natatawang saad ni Janver.

Magkasama sila ngayon sa library, hindi para mag aral, kundi para makapagpalipas ng oras.

Walangyang tomboy na 'yun! Tinakasan ako. Nabitin tuloy ako at nagmukhang gago ngayon.

Pero hindi, hindi ako nabitin at hindi dapat ako mabitin. Ano siya? Mas marami pa ngang mas sexy sa kaniya na nakama ko na. Tsk!

"Ano ba kasi 'yang nasa isip mo ha? May hindi ba ako alam na nangyari sayo kagabi? Binitin kaba ng kasexy time mo? Sino ba ha? Share naman dyan." Bulong ni Janver sa kaibigan. Tila nang aasar pa ito.

Napairap lang si Kurt at ginulo ang sariling buhok. Exam na nila bukas ngunit hindi siya nagreview sa kahit anong subject.

"Magreview nalang tayo, tol! Tutal exam na bukas." Dagdag pa ni Janver.

Hindi niya pinakinggan ang kaibigan. Napatulala siya sa kawalan. Hindi niya lubos maisip na may gagawa sa kaniya ng ganoong bagay. Madalas kasing siya ang tumatakas kapag hindi niya nagustuhan ang performance ng kakama niya.

Napakuyom ang kaniyang kamao. Gaganti ako sa tomboy na 'yun! Anong akala niya saakin!?

Tumayo siya sa kaniyang silya, "Hoy! Saan ka pupunta? Magrereview pa tayo."

Head [Revising Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon