Dos

96 5 0
                                    

M U L I


Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mong, bakit ko pa kailangang bumalik?

Bumalik sa school, sa bahay, sa kanila, at sa taong sinaktan ako.

Siguro dahil may kailangan ka pang ibigay, iwanan o ibalik pa sa kanila. Hindi pa tapos ang misyon mo para sa kanila.

On my way to school, nakakita ako ng halos maraming tao sa isang cafe. Kina Jo- shua? Ganoon kadaming tao ang dumudumog sa kanila sa umaga? Hindi ko na muna iyon pinansin dahil masyado nang late para makihalo ako roon. Hayaan ko na si Mama na mapadaan at humagilap ng balita.

Isa sa mga dahilan ko bakit tumigil sa pag-aaral noon ay...

"Ang dami na naman!" Napabulong ako pero may pwersa. Bakit ba kasi laging ganito ang problema sa LRT? Kailan ba malulutas ang mga ganitong problema?

Hindi ko alam kung sisipain ko na ba o ihahampas ang bag ko sa pagmumukha ng lalaking ito. Hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang siksik niya sa akin. Idagdag pa ang NAPAKA na amoy niya. Amoy- syet!

Pawis. Usok. Alikabok.

Pauwi na yata ako sa sobrang fresh nang pagmumukha ko. Idagdag mo pa ang masyadong mabilis na pag-agos ng pawis sa palad ko. Agos talaga dahil pu-puwede ka na talagang makapaghugas ng kamay sa sobrang basa.

"Lor-" sigaw ng babae na nasa malayo pa lang, skandalosa na.

Tinitigan ko siya ng masama kaya hindi niya na rin natapos ang sinisigaw niyang pangalan ko.

"Rayne, okay? Medyo awkward na kasi ng tunay kong name." Sermon ko habang naglalakad na rin. Last time na nalate ako, nasermonan ako. So? Let's not do it again.

"Kasi naman. Kanina pa kita tinatawag, 'di ka tumitingin! Ano bang malalim mong iniisip?" Huminga siya bigla ng malalim dahil halata ang pagod niya.

Bukod sa pag-iisip ko sa pagkasira ng ozone layer, paano puksain ang kanser at kung paano patatahimikin ang napaka lakas at daldal na bibig niya, wala naman akong iniisip pa.

"Wala." Tipid ko lang na sagot. Hindi pa rin kasi ako sanay na makisalamuha nang todo-todo sa tao. Hindi ko alam kung bakit? Kaya nga nagsusulat ako, para hindi ko na kailanganing sabihin pa gamit ang bibig ko.

Ang utak ko ay nasa Visayas na sa sobrang layo na ng iniisip ko. Napakalayo na nang lipad. Hindi ko masyadong gusto ang pagtuturo ng prof namin na halos real life experiences ang trip ituro. Minsan connected, madalas pagyayabang. Naiintindihan ko naman kasi matanda na siya kaya imbis na magreklamo, ilipad ko na lang ang iniisip ko.

Next prof- ang tindi! Halos mawala na man kami sa sobrang wide range ng mga examples niya. Kaya pati sa kung ilang taon na ang earth, naging topic namin.

"Who knows?" tanong niya. Hindi naman na mahilig magturo at magparecite ang mga prof. It depends on us kung sinong gusto.

It's already 4.3 billion years old.

Ngunit hindi ako nagtaas ng kamay. Hindi. Takot ako.

Hindi ko feelz yung pagrerecite na halos makipagsabunutan na ang kaklase mo sa'yo dahil nagmumukha ka ng pabibo sa teacher mo. Naalala ko pa dati na halos magtago ako sa c.r for so many minutes para hindi matawag. Kahiya man pero totoo.

Almost A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon