Cuatro

54 2 0
                                    


Kinapa ko ang kanina pang kumakanta na iPhone ko, nang mga kanta ni Kaye Cal. Sa isang pagkakamaling galaw, nahulog ako.

"Syet!" Sigaw ko at agad tumayo. Ang antok ko ay tila lumipad na sa sobrang sakit.

"Hello?" pagsagot ko nang tawag.

"May balak ka raw bang pumasok?" Sigaw ng kaklase ko sa kabilang linya.

Anong pinagsasasabi nang babaeng 'to? Hindi pa naman-

What the?!

Pinatay ko na agad ang tawag at napatakbo. Late na ako? Pero ba't hindi nag-alarm ang cellphone ko? Agad kong chineck at nakaset siya sa 5:00 p.m.

Halos mapahinga ako nang malalim sa mga ginagawa ko. 'Syet ka Rayne!' Bulong ko lagi sa sarili ko.

Hindi pa man umikot ulit ang maliit na kamay nang orasan ay naka-alis na ako sa bahay. Dala ang ibang mga gagamitin para mamaya, mabilis ang takbo ko papuntang kanto. Hinihintay ko ang mga dyip na dumaan pero wala. Nasa kasalukuyan na tuloy ako sa pag-iisip na 'pag may taxi sasakay na ako kahit mahal.'

Napa-isip na ako nang mga kung ano-ano tulad nang sana may U.F.O na dumating at ihatid ako.

Isang malakas na busina ang nagpabalik sa akin sa realidad. Halos maibato ko ang mga hawak kong materyales dahil sa ingay at sakit nito sa tenga. Bumukas ang tinted na bintana at isang hanggang ngayon ay wala pa ring bahid ng kasalanang si Johen ang nakita ko with his sun glasses.

"Tara sabay kana! Dadaan naman ako malapit sa school mo." sambit niya at tinanggal ang shades niya.

"Paano mo nalaman ang school ko?" tanong ko. Masyado na yata niya akong minamatyagan.

"On your I.D?!" taka naman niyang sagot. Kung makikita nga lang ang kaloob-looban ko, makikita niyang hinahampas ko na ang ulo ko sa pader. Why so feeler Rayne?

It is now or never! 'Pag inabutan pa 'ko nang second sub at wala pa ako sa school, siguradong mapapatawag ng wala sa oras sina Mama.

"Sige!" Agad akong umikot at pumasok sa pinto at umupo sa may tabi niya. Nagpalit siya ng gear at mabilis ang pag-andar namin agad. Napalagay ako nang seatbelt ng wala sa oras at todo kapit ako.

"Ang bi-bilis!" Medyo garalgal na boses ko dahil sa medyo intense feelings.

"Sorry." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Naramdaman kong medyo bumabagal na pero, ng napatingin ako sa orasan. . .

"Joke lang! Ang bagal pa nga! Just drive, faster!" Kinuha niya muna ang kape niya na nasa may holder at ininom muna 'yon.

Mas lalo akong napakapit sa kina-uupuan ko dahil mas bumilis nga. Ang mga sasakyan sa gilid ay parang masasagi na sa sobrang gitgitan. Near missed, wew!

Nahimasmasan ako ng nakadating na 'ko sa school. Tinanggal ko ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"Thanks for the ride! Babawi ako, next time." sambit ko at sinara ang pinto.

Bumukas naman ang bintana at nagsalita siya. "No problem! Sa uulitin."

Tumango na lang ako upang tugon at tumakbo na ako papuntang room. Nakita ko ang isa kong prof na lumabas na ng room, kaya pumasok na ako.

Hindi naman ako 'yung tipo ng estudyanteng famous. 'Di ako madalas pansinin o batiin ng mga kaklase ko. Halos pili lang ang mga kakilala ko kaya parang pati rito, 'di ako nag-eexist.

Sinubukan kong sumagot sa mga tanong ng mga kaibigan at kaklase ko para magkaroon ng healthy conversation pero as usual, na-uwi sa pagiging tahimik lang na ako.

Almost A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon