CHAPTER SIX

42 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay diretso agad ako sa talyer ni Papa. Nasa garahe lang naman yung pwesto niya.

"Puds! Ano problema niyang kotse?" Makatanong ako akala mo inaangasan ako nung kotse e no.

"Naginit lang daw yung makina. Pumasok ka na dun sa loob at baka madumihan ka pa dito."

"Pero pud-"

"Dali na Maggy. Nandito naman si Caloy para tulungan ako."

Oo nga nandito nga si Caloy. Di ko napansin ang hayup. Pagkapunggok kasi at napakaitim akala ko namuong grasa lang.

"Hi Macki mylabs." Abot tenga pa ang ngiti wanted naman ang mga ngipin. Mga nawawala. Take note, ang buhok ni galunggong, k-pop na emo ang datingan. Yung tipong buhok ng mga characters sa Meteor Garden. Mga ganun. Nakalimutan ko bang sabihin na blondie sya at nakasaludo ang bangs na banat na banat na akala mo pinahila sa kabayo? Feeling niya swagger siya. Sasaampalin ko to ng hanger.

"Inatake ka nanaman ng pagkasinto-sinto mo Caloy. Tulungan mo nalang si Papa diyan at baka masapak ko pa baga mo." sabay pasok nalang ako sa loob ng bahay. Natawa nalang si papa. Nasanay na kasi siya na lagi kong binabara si super galunggong.

Umabot din ng 3 oras ang paglalaba ko. Shet, napakasakit ng likod ko. Ang lakas kasi maka-Mount Everest ng mga labada namin ni Papa. Jusko.

"Margaux Celiiiiiine!"

Kabisado ko na ang boses na yun. Si aso yun. Ang hilig ko magpangalan kahit ang korni no? TIISIN NIYO.

"Pakyu ka. Ginagawa mo dito? Pwede ba wag ngayon pre. Kakatapos ko lang maglaba e."

"Kiss kita para mawala sakit ng katawan mo." akma pang lalapit ang hayup sakin habang OA ang pagkaka-pout ng lips at nakapikit pa.

"Uluuuuul! Pakamatay ka muna baka sakaling may chance ka pang mahalikan ako."

"Huy!" namimilog pa mata ng hayup. "Babae ka na ba ngayon? Siguro meron ka nga ngayon no. Kaya feeling babae ka?"

"Tigilan mo nga ako. Isa pa sasapakin na talaga kita."

"Di na boss. Sorry."

"Ano na kelangan mo ha? Nananahimik kaluluwa ko dito tapos gagambalain mo."

"Wala, gusto ko lang ibalita sayo na nagkakamabutihan na kami ni Cher sa text." Naunahan na ako ng bwiseeet!!

"Ah ganon. Ge labas!" Nakakainis kasi. Inunahan ako. Akala mo di kaibigan.

"Galit ka?" Seryoso niyang tanong sakin. Tanga na ba to? Muka ba akong na-excite sa binalita netong aso na to?

"Hindi. Pagod lang ako. Labas!"

"Napakasungit mo naman. Bilan kita ng napkin? Modess o whisper?" nakuha pa neto magbiro ah.

"ULOL TAENAMO LABAS!!!"

Karipas siya ng takbo palabas eh.

Teka, parang ang sakit ng puson ko. Nakakabwisit naman. Ayoko talaga maging babae. AYOKO.

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon