CHAPTER EIGHT

34 0 0
                                    

Macki's POV

Alas tres na. Di pa din ako makatulog. Ano ba 'tong bwisit na nararamdaman ko. Alam naman kasi ni Yuan na may gusto ako kay Cher tapos liligawan pa niya. Nakakaasar! Pipilitin ko nalang matulog.

"Magggggyyy!!" Ano ba yan. Ang aga aga naman manggising ni papa.

"Oh bakit Puds? Aga pa ah." Sige kuskos lang ng mata. Ikabubulag ko to.

"Gising kana Maggy. Aalis tayo. Magiinquire tayo sa kolehiyong papasukan mo."

"Ha?! Puds naman! Ayoko!"

"Dali na, anak. Pano pag nawala na ako sa mundong to? Gusto ko meron kang magandang kinabukasan."

"Eh puds ayoko nga kasi. Alam mo namang nagpapalda dun sa school eh." Ayoko talaga. Magmumuka naman kasi akong bakla.

"Ganun talaga anak. Depende yan sa gusto mong kuning kurso."

"Eh puds naman alam ko naman na kung pano mabuhay. Alam ko naman na yung basics." Wow english yon shet.

"Anak, iba padin yung may tinapos ka. Yung may diploma ka."

"Puds tatlo naman na diploma ko dyan."

"Ano? Kinder, elementary at high school? Anak iba padin pag tapos ka ng kolehiyo."

"Atleast diploma! Papa naman ayoko kasi."

"Please? Eto na regalo mo sakin sa birthday ko."

"Si papa naman! Ugggh!" Nahuli na ni papa ang kahinaan ko.

"Sige anak. Ayos kana." Sabay kiss sa noo ko.

Muka akong pechay pag nagpalda. Ayoko talaga. Pero hiling ng papa ko e. Wala. Kailangan ko magdusa. T__T

Ligong panis lang ang ginawa ko. Isang buhos, shampoo. Sabay nadon ang pagsasabon. Tatlong buhos para sa banlaw. Okay na to. Toothbrush gamit daliri. Gwapo naman ako e. Okay na to.

Dark blue na polo shirt, white pants at dark blue na vans na rubber shoes. Okay na to. Konting wax nalang ng buhok. Gwapo ko na!

Ang init dito sa jeep. Hulas na kagwapuhan ko. Badtrip.

Maximino Hizon University.

Ang daming tao. Di naman sya private pero maayos naman ang itsura. Medyo luma pero okay lang.

"Anak dun tayo sa registrar."

Lakad lakad. Baog na binti ko. Napakalaki naman kasi nito!

"Goodmorning Sir. Mag-iinquire po? Inside nalang po." Sabay alok samin papasok ng isang babaeng maliit, maputi, nakaponytail ang basa pang buhok, mukang sinampal ng maton sa blush on niya at naka-blouse at slacks. Malamang inside. Alangan naman sa cr kami mag-usap.

"Goodmorning Sir. Enroll niyo po son niyo?" Gusto ko tong si tanda. SON daw ako. Aylabyu manang.

"Ay. Daughter po yan." sabi ni basang ponytail. Napakaano kakagatin ko na to.

"Sorry po. Dito nalang po tayo."

Enrolled na ako agad. Ganun kabilis. Nakakaasar naman. Tourism Management pa yung kurso. Basta nalang ako namili e. E sa history din naman ang paborito ko, kaya ayun. Bahala na.

"Eto po yung sketch ng uniform in case na magpapatahi kayo. Pwede po siya magslacks kung gusto niya." sabay abot ni Mommy Dionisia ng papel na may drawing na uniform. Kamuka kasi niya e. Hehe.

Buti naman at simple lang yung uniform. Di katulad ng uniform namin nung high school. Maikli, plain gray na palda, pink na long sleeves na polo at ribbon. Nakakairita. Ilang taon kong tiniis yon kasi no choice. Dun nakapangalan educational plan na kinuha nila puds dati. Planado na lahat, pagkapanganak palang sakin. anyway, uniform ko ngayon ay black na palda, pwede ding slacks, white na polo with black na malaking ribbon. Muka pading babaeng babae. Pero okay lang para naman to sa puds ko.

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon