CHAPTER NINE

33 0 0
                                    

"Tok tok tok tok!" (Oo katok yan sa pinto maniwala kayo please)

"Ano ba yan! Kakatulog ko lang e. Ganitong pagod ako kakauwi lang namin ni papa." Di ko pinansin yung kumakatok.

"Tok tok tok tok!" (Oo katok ulit yan bahala kayo)

"Margaaaaaux Celiiiiine!! Yooohooo!!~"

Alam ko na kung sinong barkada ni Satanas to.

"Ano ba?! Anong problema mo at nambubulabog ka?!" Anong ginagawa ng kumag na to dito?!

"Wala lang. I miss you."

"Gago ka ba?! Anong pakelam ko sa nararamdaman mo?! Diko kailangan ng traydor dito."

"Eto namaaan.." Nakuha pang magpacute. Cute nga. Mukang aso.

"Diba magkalimutan na?!"

"Sus.. Eto nalang. Pustahan."

"Anong kinakana mo?"

"Paunahan tayo."

"Paunahang ano?"

"Pasagutin si Cher!"

"H-ha?!" Anong pinagsasabi neto? Nakalunok ba ng ipis to habang natutulog??

"Slow mo. Paunahan tayong pasagutin si Cher."

"E ikaw nga gusto diba?!" Ipapamuka pa kasi!

"Hinde. Ganito. Bigyan kita ng palugit. Magaadjust ako. Di ko sya kakausapin o itetext ng 2 linggo. Simulan mo syang pormahan."

"Sigurado ka ba sa pinagsasasabi mo?"

"Oo. Muka ba akong nagjojoke? Kalbo ba ako?" Napakakorni talaga ng hayup.

"Osige. Deal yan ha. Paunahan. Ang manalo, makukuha na si Cher tapos magpapadare sa matatalo."

"Game."

"Ge. Ngayon umalis kana wala ako pake sayo." Iritang taboy ko.

"May bibigay nga pala ako sayo.." Seryosong seryoso siya.

"Ano?! Bilis matutulog pa ako."

"Eto oh! Hahahahahahahaha!" Sabay bato ng modess sa muka ko. Napakademonyo talaga ng hayup na to punyemas gusto ko syang sakalin gamit ang sarili niya bituka hayup talaga hayup.

"Taenamoooo! Wag ka magpapakita sakin ibibigti kita!"

Ang bilis mawala ng salot na yon. Dinaig pa ang snatcher sa Quiapo sa sobrang bilis tumakbo.

Matutulog nalang ulit ako. Napakaepal talaga kasi!!

Dahan dahan siyang lumapit sakin.. Hinawakan niya ang kamay ko. Saktong sakto ang space sa pagitan ng daliri namin para sa isa't isa.

Dahan dahan niyang hinawakan muka ko.. Kinawit sa tenga ko ang buhok ko. Hinaplos ang muka ko ng dahan dahan.. Papalapit ng palapit muka namin. Hanggang sa hinalikan niya ako. Sa lips!

Ang tagal magkalapat ang mga labi namin.. Pagkatapos ng kiss na yun, hinatak niya ako papalapit sa katawan niya..

Niyakap niya ako..

Mahigpit na mahigpit.. Sobrang higpit..

Napakahigpit..

Teka..

Hindi na..

Ako..

Makahinga..

HINDI NA AKO MAKAHINGA YUAN TAMA NA!! DI AKO MAKAHINGA!!

Buti nalang at bigla ako nagising. Nakapulupot na pala sa leeg ko yung kumot ko kaya di ako makahinga. Buti nalang talaga!!

Ala-sais na ng gabi pagkagising ko. Sobra talaga akong napagod talaga kanina. Inistorbo pa ako ng asong yun. Speaking of. Tetext ko nga.

Hoy singkit. Yung pangako mong di mo na itetext muna si Cher ha! Pakyu ka tadu.

Gege. Nagamit mo na gift ko babygirl? ^ω^

Ulul! Mamatay kana sana.

Mamimiss moko e. (๑¯ω¯๑)

Ulul ka talaga. Nga pala nagenroll ako.

San?

M. Hizon University.

Seryoso?! Ako din doon ee! Kakaenroll lang sakin ni Daddy kahapon.

Seryoso ka?

Oo nga. Information Technology.

T*ngina naman. Pati ba naman sa school makikiagaw ka?

Sayo ba yon?!

Ulul.

Ano course?

Tourism.

Wow shet flight attendant hehe.

Gago.

See you sa school! Hehe.

Gago ka parin.

Sasakay ako sa papasukan mong eroplano ha?

Gago ka always.

Hehe.

Gagu.

┐(´д`)┌

Wala ka kwenta kausap. Ge bye.

Bye babylove. I love you.

Gago ka forever.

:*

Pakyu.

Napakawala talagang kwenta kausap kahit kelan. Makakain na nga lang ng hapunan. Nagutom ako. Gusto ko ngatngatin si Yuan.

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon