CHAPTER TWO

48 0 0
                                    

"Nasan na? Wala naman e. Teryo ka lang men."

"Saglit nalang, dadaan din yon."

As usual, nakatambay nanaman sila sa tapat ng tindahan ni Aling Gloring.

Habang nakasimangot dahil sa init ng araw, a girl stole his attention. Not just a girl. The most beautiful girl in the world, aside from his mom, in his eyes.

"Mac.. Mac.." paulit ulit na sabi ni Yuan habang nakatitig sa direksyon kung asan ang babae.

"Oh bakit ba? Para kang nirape ng sampung kalabaw dyan at na-trauma." Iritableng responde ni Macki sa bestfriend. Agad nyang tinignan kung saan ito nakatingin.

"Pare sya na yon! Sya yung sinasabi ko sayong chicks!"

Wala syang natanggap na sagot mula sa kaibigan.

"Hoy gising!" sabay batok sa kaibigang kanina pa nakatulala.

"Ang sakit non ah!" sabay ganti ng batok.

Unti unting lumapit ang magandang babae sa tindahang pinagpapantasyahan nila.

"Isa nga pong 1.5 na coke saka paload po." sabi nito sa tindera na abalang abala sa panunuod ng teleserye.

"Mac, ano na gagawin ko?" pabulong na sabi ni Yuan sa kaibigan. Bagamat gwapo ay torpe ito.

"First come first serve ha? Tignan mo ang galawang master." mayabang na sagot nito sabay tayo.

"Hi miss." Pilit nitong pinalaki ang boses.

"Hello." nakangiting sagot naman ng binati nito.

"Parang ngayon lang kita nakita dito samin."

"Ah, oo. We just moved here last night."

"Anong pangalan mo?"

"Cherlize. But you can call me Cher for short." sagot nito na may malapad na ngiti.

"Kasing ganda mo pangalan mo, Cher. Macki nga pala." pagwapong responde ni Macki.

"Thank you."

"Ah, Cher? Pwede ko ba mahingi number mo?"

"Sure. Eto oh." Sabay abot ng papel na sinulatan ng number nya para magpaload.

"Yon. Salamat! Text agad kita maya."

"Sige, una nako ha?"

"Sige, bye."

"Bye."

Naiwang nakatulala at naiinggit si Yuan sa isang tabi.

"Mangha ka nanaman bro."

"Ewan ko sayo." Sabay walk out.

"Tanggapin mo nalang na mas gwapo ako sayo! Hahahaha!" sigaw ni Macki.

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon